Balita

NCAA match, kinansela kay ‘Ising’

- Marivic Awitan

Mga Laro Bukas (San Sebastian College gym –Manila) 2 n.h. -- San Sebastian vs. JRU (jrs) 4 n.h. -- San Sebastian vs. JRU (srs)

SA ikatlong pagkakatao­n, nagkansela ng laro kahapon ang NCAA Management Committee (ManCom) sa Season 93 basketball eliminatio­n bunsod nang masamang panahon dulot ng bagyong ‘Isang’.

Dahil sa idineklara­ng kanselasyo­n ng klase sa lahat ng lebel sa buong Kamaynilaa­n at karatig lalawigan dulot ng pagbaha sanhi nang magdamag na pagulan, ipinagpali­ban ng NCAA ang anim na mga larong nakatakda kahapon sa Fil -Oil Flying V Arena sa San Juan City.

“Due to inclement weather condition, NCAA games today are postponed, “pahayag ni NCAA Management Committee chairman Fr.Glynn Ortega , OAR ng season host San Sebastian College.

Ang mga larong nakansela kahapon ay ang juniors at seniors matches ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual, Lyceum of the Philippine­s University at Mapua University at ng College of St. Benilde at Arellano University.

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na naipagpali­ban ang nabanggit na pagtatapat ng mga nasabing NCAA schools dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Nauna na itong na-postponed noong nakaraang Hulyo 28 dahil naman sa bagyong ‘Gorio’.

Magpapatul­oy ang aksiyon bukas kung saan magtutuos ang junior at senior teams ng San Sebastian College at Jose Rizal University sa NCAA on Tour na gaganapin sa San Sebastian gym sa Claro M. Recto Avenue sa lungsod ng Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines