Balita

‘Small’ sa R6.4- B shabu probe, tropa ni Paolo

- Leonel M. Abasola at Genalyn D. Kabiling

Kinumpirma kahapon ng broker na umano’y may pangunahin­g papel sa pagpupusli­t sa Bureau of Customs (BoC) ng P6.4-bilyon shabu shipment mula sa China na si Davao City Councilor Nilo Abellera, Jr., na malapit kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, ang sinasabi niyang “Small” na isa sa mga miyembro ng “Davao Group” na nakatransa­ksiyon niya.

Dahil dito, muling nakaladkad ang pangalan ng anak ni Pangulong Duterte sa isinasagaw­ang imbestigas­yon ng Senado hinggil sa paglusot sa BoC ng nasabing kontraband­o.

Una nang ipinatawag si Abellera, batay sa kahilingan ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pagbanggit ng broker na si Mark Taguba sa pangalan nito bilang isa sa mga namumuno sa Davao Group, at kilalang malapit sa nakababata­ng Duterte.

Sinabi ni Trillanes na kailangang makadalo si Abellera para magbigayli­naw kung may alam ang bise alkalde sa usapin o nagagamit lamang ang pangalan nito.

Sa pamamagita­n ng mga ipinakitan­g larawan ni Trillanes, kinumpirma ni Taguba na si Abellera ang kasama ni Duterte sa litrato.

Sinabi pa ni Taguba na nagkita sila ni Abellera sa Davao City at nagbigay umano siya ng P5 milyon bilang “enrolment fee” para payagang makapasok sa BoC ang kanyang mga kargamento, kasunod ng pagbibigay din ng P10,000 bawat container o P1 milyon kada linggo.

Ipinakita rin ni Taguba ang natanggap niyang text message na nagbanggit sa pangalan nina Abellera, Paolo at Pulong, at isang “Tita Nanie”.

Kaugnay nito, nangako naman si Pangulong Duterte na ipakukulon­g niya ang mga sangkot sa pagpupusli­t sa bansa ng nasabing shabu, na nasa 600 kilo, kabilang na ang mga tauhan mismo ng BoC.

“In due time, I will ask for the neck of those involved. Not only that we have to prosecute them criminally,” sabi ni Duterte. “Remember it is a nonbail (offense). Kung lahat ng involved d’yan na taga-Customs will have to go to jail without bail. Lahat ‘yan, kasi conspiracy ‘yan.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines