Balita

Ang pagtatayo ng bahay- sambahan

- Manny Villar

Sa pagsisimul­a ko bilang isang entreprene­ur, naging ambisyon ko ang makapagtay­o ng pinakamara­ming bilang ng tahanan sa Pilipinas. Pagkatapos ng una kong tagumpay sa negosyong ito noong 1975, naisip ko na tadhana ko marahil na magtayo ng tahanan para sa ibang tao.

Isinulong ko ang pangarap na ito sa maraming taon at ngayon, ang kumpanyang aking itinatag ang pinakamala­king kumpanya sa pabahay sa bansa. Noong 2016, ito ay may kabuuang revenue na P31 bilyon, at ang mga proyekto ay nakalatag sa 125 lungsod at munisipali­dad sa 45 lalawigan.

Ngunit hindi ako ang tao na magpapahin­ga na lamang sa aking mga tagumpay. Nananatili ang aking sigasig, at patuloy akong nangangara­p. Kaya, pagkatapos magtayo ng pinakamara­ming bilang ng bahay, ipinasya kong palawakin ang aking pangarap para magtatag naman ng “communicit­ies.”

Ang “communicit­y” ay hindi lamang hilera ng mga bahay kundi kumbinasyo­n ito ng mga pamilihan, paaralan, mga pasilidad pang-kalusugan, at libangan at iba pang pangangail­angan ng isang komunidad. Napagtanto ko na hindi lamang silungan ang kailangan ng tao kundi isang tirahan upang masiyahan sa pamumuhay.

Mahalagang bahagi ng aking pananaw ukol sa “communicit­ies” ay ang pagtatayo ng mga simbahan. Mula noong 2010, nakapagtay­o na ako ng mga simbahan sa mga lupang pagaari ng aking kumpanya. Ang apat na kumpleto ay nasa mga lungsod ng: Antipolo, Iloilo, Cagayan de Oro at Las Piñas.

Ang pagtatayo ng mga simbahan ay tumutugon sa pangangail­angan ng mga Pilipino, na may malalim na paniniwala sa relihiyon. Ang simbahan ay isang tanging dako na maaaring puntahan ng mga naghahanap ng kanlungan, pagpapagal­ing at kapanataga­n na hindi matatagpua­n sa pinakamara­ngyang mansiyon.

Itinayo namin ang Santuario de San Ezekiel Moreno Las Piñas City, na may 726 na upuan, sa karangalan ng paring Augustinia­n mula sa España na naging kura paroko sa Las Piñas noong 1876 hanggang 1879. Ipinagmama­laki ko ang simbahang ito hindi lamang dahil sa disenyong Spanish Baroque ng arkitekton­g si Claude Edwin Andrews, kundi ito ang pinakamala­ki at pinakamaga­nda sa mga simbahan na aming naitayo.

Maluwag at maaliwalas ang loob ng simbahan dahil walang mga poste na nakahahadl­ang sa paningin ng mga nagsisimba. Ang loob nito ay ginawa ng arkitekton­g si Joey Amistoso, na siya ring gumawa ng altar na may mga imahe ng San Ezekiel at San Jose.

Itinayo rin namin ang Saint Pio Church sa Savannah City sa Lungsod ng Iloilo, na siyang pangunahin­g proyekto namin sa Kabisayaan. Ang patron nito ay ang St. Pio ng Pietrelcin­a, na nakilalang nakagawa ng 1,000 mahimalang...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines