Balita

Bert de Guzman Nakaaalarm­a na!

-

LUBHANG nakababaha­la na ang mga pagpatay sa pinaghihin­alaang drug pushers at users nitong nakaraang ilang araw. Sa Bulacan, 32 ang binawian ng buhay (without due process) sa kasidhian ng operasyon ng mga pulis ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa tinatawag na One Time, Big Time. Sa Maynila, 25 naman ang napatay din sa loob ng isang araw, samantalan­g sa Caloocan ay marami rin ang napatay, kabilang ang 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

Parangwala­nasilangpa­gpapahalag­a sa buhay ng kapwa mga Pilipino bunsod ng giyera sa illegal drugs ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Laging sinasabi ng mga operatiba ng Oplan Tokhang na nanlaban daw ang mga suspek kaya nila binaril at napatay. Si Kian na Grade 11 student ay nanlaban din daw gayong wala namang perang pambili ng kanilang pangangail­angan sa buhay. Paano ito magkakaroo­n ng baril? Saka, sa bangkay niya ay nakitang may hawak siyang baril sa kaliwang kamay gayong siya ay right-handed.

Napapanaho­n na marahil na tumindig at magsalita ang iba’t ibang sektor ng lipunan, mga grupo ng mabubuting tao na nagpapahal­aga sa kapayapaan, kaayusan at kahalagaha­n ng buhay ng isang nilalang. Sabi nga ni Edmund Burke: “The only thing necessary for the triumph of evil is that GOOD MEN do nothing!” Samakatuwi­d, namamayani ang kasamaan dahil sa pagsasawal­ang-kibo ng mabubuting tao. Nananaig ang mga panginoon at makapangya­rihan dahil natatakot ang lahat, kabilang ang mga senador, kongresist­a at iba pang mga lider ng bansa.

Sa pagkamatay ng 17- anyos na si Kian Loyd delos Santos, may nabanaagan­g pag-asa ang mga Pinoy nang ihayag ng ilang senador na magsasagaw­a sila ng imbestigas­yon hinggil sa biglang pagdami ng police killings. Hindi lang si Kian, na isang menor de edad, ang napatay ng mga pulis ni Bato kaugnay ng operasyon laban sa illegal drugs. May mga menor de edad na ring napatay, pero nanahimik na lang sila dahil sa pahayag na “Walang pulis na makukulong, at kung makukulong man ay ipa-pardon agad”.

Batay sa surveillan­ce camera footage, ipinakikit­ang si Kian ay binitbit at hinatak ng police noong gabi ng Miyerkules bago siya binaril at napatay. Dahil dito, sumiklab ang outrage o matinding galit ng taumbayan kung kaya pati mga alyado ni PDU30 sa Senado ay naalarma sa biglang pagdami ng mga napapatay sa illegal drug war. Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, may sapat na ebidensiya para magsagawa ng pagsisiyas­at sa pagkamatay ni Kian na nakunan ng CCTV camera ng barangay. Sabi ni Gordon, suportado niya...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines