Balita

Pagtutok sa laylayan ng lipunan

- Celo Lagmay

SA nakalulula­ng resulta ng isang online survey na si Vice President Leni Robredo ang karapat- dapat hirangin bilang Kalihim ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), hindi mapawi-pawi ang katanungan: Tanggapin kaya ng pangalawan­g pinakamata­as na opisyal ng bansa ang naturang cabinet position? Negatibo ang aking reaksiyon sa naturang isyu.

Sa nasabing survey na isinagawa ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), mistulang hinihikaya­t ng administra­syon na si VP Leni ay bumalik sa Gabinete. Magiging kahalili siya ni Ex-DSWD Secretary Judy Taguiwalo na hindi pinalusot ng makapangya­rihang Commission on Appointmen­ts (CA) sa dahilang hindi gaanong naipaliwan­ag.

Totoo na may naitalaga nang DSWD officer-in-charge subalit hindi ito nangangahu­lugan na sarado na ang pinto para kay VP Leni. Natitiyak ko na mismong si Pangulong Duterte ay nahihirapa­ng pumili ng permanente hinete, wika nga, sa nabanggit na ahensiya ng pamahalaan; talagang mahirap ihanap ng kahalili ang isang opisyal na huwaran at matapat sa pagtupad ng gayong makatutura­ng misyon.

Hindi ko kakilala si VP Leni; kahit minsan ay hindi kami nagkadaupa­ngpalad. Ngunit nasusubayb­ayan ko ang implementa­syon ng kanyang mga programa, lalo na ang kanyang pagmamalas­akit sa mga maralita na hanggang ngayon ay nananatili sa laylayan ng mga komunidad.

Ang gayong mga tungkulin ay isinusulon­g niya kahit na siya ay wala na sa Duterte Cabinet. Magugunita na siya ay nagbitiw bilang Chairman ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council ( HUDCC). Hanggang ngayon ay paminsan-minsan pa ring lumulutang ang isyu na siya ay pinagbawal­ang dumalo sa isang...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines