Hkm 9:6-15 ● Slm 21 ● Mt 20:1-16
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tungkol sa nangyayari sa Kaharian ng Langit ang kuwentong ito: Maagang lumabas ang isang mayari para umupa ng mga manggagawa sa ubasan. Nakipagkasundo siya na tatanggap ng isang baryang pilak isang araw ang mga manggagawa, at pinapunta na niya sila sa ubasan.
“Lumabas din siya nang magiikasiyam ng umaga at nakita niya ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang ginagawa. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Pumunta rin kayo sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng nararapat.’ At pumunta sila.
“Muli siyang lumabas kinatanghalian at nang mag-iikatlo ng hapon at gayundin ang ginawa niya.
“Lumabas din siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Ba’t kayo nakatayo lang at maghapong walang ginagawa?’ Sumagot sila: ‘Wala kasing umupa sa amin.’ Sinabi niya: ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’
“Paglubog ng araw, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: ‘Tawagin ang mga manggagawa at bayaran sila, mula sa huli hanggang sa una.’ Kaya lumapit ang mga dumating sa huling oras at binigyan sila ng tig-isang denaryo (isang baryang pilak).
PAGSASADIWA:
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo isang araw?— Sa mata ng Diyos, lahat tayo ay pantay-pantay. Ito ang mensahe ng ebanghelyo. Lahat ay inaanyayahan ng may-ari ng ubasan upang magtrabaho. Isang denaryo isang araw ang halagang tatanggapin. Lahat nga ay kanyang binigyan. Hindi na isinaalang-alang kung ilang oras ang paggawa. Ang mahalaga ay pantay-pantay ang tatanggapin ng lahat.
Ganoon ang Diyos sa pagturing sa kanyang mga anak. Lahat ay pinagkakalooban. Walang makalalamang.