Balita

Sylvia at Arjo, gaganap na mag-ina sa seryeng heavy drama

- Ni REGGEE BONOAN

NANGGULAT na naman si Sylvia Sanchez nang magkaroon ng story conference nitong nakaraang Lunes para sa bago niyang teleserye sa unit ni Ms. Ginny M. Ocampo ( GMO unit) na hindi pa binanggit ang titulo.

Ilang araw na namin siyang tinatanong kung ano ang next soap drama niya, at ang parating sagot niya, “Wala pa, La Luna Sangre pa lang, pero alam ko magkakaroo­n.”

Nakukulita­n na yata sa amin si Ibyang kaya may text messages kaming hindi niya sinasagot -- dahil may nabalitaan kami na magsasama raw sila ng anak niyang si Arjo Atayde. Nanggulat dahil ang alam namin ay nasa Balesin Island ang buon buong pamilya Atayde nitong long weekend, perope kinahapuna­n ng Lunes ay biglang nag- post ng litrato ang aktres na nasa storycon siya. Kaagad naming pinadalhan­pina ng mensahe kung, ‘ tuloy na show? Ito ‘ yung kasama Arjo?’ Mabilis namang sumagots si Ibyang, “Yes, tuloy na soon.”soo Follow- up question namin, anong titulo? “Wala pa, bawal pa isulat.” Ano ang papel ninyo ni Arjo? “Mag-ina kami,”ka tipid na sagot. Ano ang kuwento? “Bawal nga sabihin, bastab mag-ina kami.” Sabay sabing, “Sobrang saya na kabado kasi magdadrama­han kaming mag-ina.”

Dito na nagtapos ang palitan namin ng mensahe ni Sylvia.

Finally, matutupad na ang matagal nang pangarap nina Ibyang at Arjo na makatrabah­o ang isa’t isa sa heavy drama.

Bagamat nagkaroon naman na ng pagkakatao­ng magsama ang mag- ina sa

Pure Love, cameo role lang ang aktres. Palaging sinasabi ni Ibyang na gusto niyang gumanap sila ni Arjo, at pati na rin si Ria, sa Maalaala Mo Kaya pero hindi pa nangyayari. Iyon pala, mas malaking project ang inihanda para sa kanila.

Nagkaroon na rin ng look- test pagkatapos ng story conference, base na rin sa mga litratong ipinost ni Ibyang sa social media.

As of press time ay wala pang binabanggi­t kung kailan ang taping at kung kailan ang target airing.

Pawang pagbati ang nabasa naming komento sa mga ipinost ng aktres at marami ang nagsabing, “Sana sa primetime naman para mapanood namin.”

Oo nga, karamihan din naman kasi ng fans ni Ibyang ay nag-oopisina kaya ‘yung mga sumubaybay sa The Greatest Love ay napupuyat dahil pagdating ng bahay palang nila napapanood sa iWantTV.

 ?? Sylvia at Arjo kasama ang Team Gmo ??
Sylvia at Arjo kasama ang Team Gmo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines