Balita

Pagbabalik­an nina Katy Perry at Orlando Bloom, usap-usapan

- People

HI NDI basta-basta mawawala ang pagtingin ni Katy Perry sa dating kasintahan­g si Orlando Bloom.

Nagsalita na ang 32-taong gulang na pop star tungkol sa kumalat na usap-usapang nagkikita at lumalabas silang muli ng ng aktor nang makita silang magkasama sa concert ni

Ed Sheeran kamakailan. “Well, you know, I think people are in and out of your life,” sabi niya sa The Morning Mashup, programa ng Sirius XM Hits 1. “It’s nice to keep people you love around you. When you get older, lines get blurred. And you know what, I’m really busy. I’m about to go on tour for another year.”

Isang source ang nagsabi sa People nitong nakaraang linggo na ang dalawa, “have been in touch since they broke up” nitong Pebrero.

“They ended things as friends,” dagdag ng source. “They continue to be friends.”

Isa pang source ang nagsabi sa People na hindi umano nagkabalik­an ang dalawa, “but they have history and are open to seeing what happens.”

Inamin naman ng singer na nakipagbal­ikan umano siya noon sa isa sa mga naging dating

kasintahan niya nang padalhan ito ng mensahe, ngunit ngayon, aniya, ay dapat munang pinagisipa­n ang mensahe bago ito ipinadala. Sinabi naman ni Perry sa romance radio host na si Delilah Rene na inspirado ng kanyang text habit ang kanyang single na Save as Draft.

“I’ve been in that cycle before in a relationsh­ip and it had kind of reignited the relationsh­ip, and there’s only so many times you can reignite the relationsh­ip or want to or should and sometimes you just need to write it and never send it. It’s just that exercise — that cathartic exercise.”

Ibinunyag naman ni Perry nitong Lunes ang naging alitan nila ng kapwa mang-aawit na si

Taylor Swift. Pag-amin niya, tapos na ito at nais niyang “love for the beef to end. I’d love to take it off the barbecue.”

“I’m down,” patuloy niya. “But I haven’t heard anything of it.” Magsisimul­a na sa Setyembre 19 ang The Witness Tour ng singer sa Monreal, Quebec. Abangan naman sa linggo ang performanc­e niya sa MTV’s 2017 VMAs.

 ??  ?? Katy at Orlando
Katy at Orlando

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines