Balita

‘Rainbow’ album ni Kesha, No. 1 sa Billboard

-

NASUNGKIT ni Kesha ang top billing sa Billboard 200 chart sa kanyang comeback album na Rainbow, ang kanyang unang studio album sa loob ng limang taon sa gitna ng masalimuot na legal battle sa kanyang record contract.

Bumenta ang Rainbow album ng 30-year-old singer ng 116,000 units, ayon sa data mula sa Nielsen SoundScan nitong Lunes, kaya nakuha ang second-largest U.S. sales week ng 2017 ng isang female singer matapos ang Witness ni Katy Perry.

Tina-tally ng Billboard 200 chart ang units mula sa album sales, song sales (10 songs equal one album) at streaming activity (1,500 streams equal one album).

“I am so grateful and so lucky and... at a loss for words. thank you. thank you. Thank you. there were many days that my music was simply a coping tool, for my emotions,” mensahe ni Kesha sa kanyang Facebook page nitong Lunes.

Pinaghahal­o ng Rainbow ang signature pop sounds ni Kesha pitong taon na ang nakalipas sa raw, powerful songs na nagpapahiw­atig ng pagkadisma­ya, sakit at galit na kanyang naramdaman sa panahon ng mahabang laban sa korte sa kanyang dating producer na si Dr. Luke, na inakusahan niya ng emotional at sexual abuse. Itinanggi ni Dr. Luke ang mga alegasyon at kinasuhan siya ng defamation. Ang kasong iyon, at ang pakikipagl­aban ni Kesha para makawala sa multialbum contract sa Sony Music, ay patuloy na tinatalaka­y sa U.S. legal system, kahit na nagpasya na si Kesha na ilabas ang Rainbow sa pamamagita­n ng Sony Music group. Tinalo ng Rainbow ang pumangalaw­a sa Billboard 200 na Damn ng rapper na si Kendrick Lamar na inilabas noong Abril, sa karagdagan­g 43,000 units na naibenta ngayong linggo. Sa digital songs chart, sinusukat ang online single sales, hindi pa rin natitinag sa No. 1 ang global sensation na Despacito, ng Puerto Rican singer na si Luis Fonsi tampok si Justin Bieber, sa karagdagan­g 83,000 kopyang naibenta.

 ??  ?? Kesha
Kesha

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines