Balita

Missy Elliot, pagagawan ng monumento

- HuffPost

MAY bagong petisyon para sa tanggalin ang Confederat­e monument upang palitan ng monumento ni Missy Elliott.

Nag- post si Nathan Coflin ng Virginia ng isang petisyon sa Change. org na humihimok sa lokal na opisyal ng Portsmouth na alisin ang 35-foot na Confederat­e monument na itinayo noong late 1800s para sa “Confederat­e dead of Portsmouth and Norfolk County.” Naniniwala siya na ang monumento ng award-winning rapper at producer, na ipinangana­k sa bayan ng Virginia, ay perpekto para ipalit.

Nakatangga­p ng limang Grammy awards si Elliot, 30 milyong album na naibenta at hindi ito pabor sa racism.

Nitong nakaraang linggo, nagsamasam­a ang mga nagpoprote­sta sa palibot ng monument upang hikayatin ang mga awtoridad na ilipat ang bantayog mula sa Court Street papuntang Cedar Grove Cemetery, ibinalita ng WAVY, isang lokal na news station. Ipinahayag naman ni Mayor John Rowe na “we don’t need to continue fighting the Civil War” at sinabing paparangal­an pa rin ang yumao sa bagong lokasyon. Sumang-ayon si Coflin. “Missy is Portsmouth’s hometown icon,” lahad ni Coflin sa HuffPost. “The mayor of Portsmouth has already declared his support for moving the current monument from where it stands to a nearby cemetery where Confederat­e soldiers are buried. This will leave a void where the current one stands. Missy represents the diversity of Portsmouth and what hard work and perseveran­ce can do. An inspiratio­n to the town.” Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang 23,500 na pirma ang naturang petisyon, sa kinakailan­gang 25,000.

 ??  ?? Missy
Missy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines