“Sa pagbati mo, pare. Alam mo, pare… n’on pa naman, gusto ko nang makipag-ayos sa’yo kaya lang dyahi ako, e. Ako kasi ang nagsimula ng mga kalokohan. Sorry, pare!” “Kalimutan na ‘yon, pare. Tingin ko, pare, may malalim kang iniisip. P’wede bang makihukay
Ika-99 na labas
ALAS nuebe ng umaga. Sa opisina nina Efren at Serafin. Sa malas, busy ang lahat. Lahat, mukhang tutok sa kani-kanilang trabaho. Liban sa magkumpareng Efren at Serafin. Si Efren, kunot-noong nakatitig sa kanyang drawing table pero wala namang isinusulat o iginuguhit. Napapailang pa minsan.
Medyo dumukwang pa ang Serafin sa gawi ni Efren. “Pare, galit ka pa ba sa akin?”
“No, pare.” Bumuntong hininga si Efren. “Salamat, pare!”
“Saan, pare?” “Problema, pareng Efren?” Tumango si Efren. Bumuntong hininga pero hindi kumibo. Nahihirapan bang magsalita?
“Problema ba kanina?” tanong ni Serafin. “O problema saan?”
“Tungkol sa kumare mo, pare. Napapansin ko nitong mga huling araw, namumutla… namamayat. Hindi naman daw siya naglilihi. Saka, parang laging aburido. Laging mainit ang ulo.”
Nagulat si Serafin. Pabulalas na sabi: “Tama. Eksakto.”
“Anong tama? Anong eksakto, pareng Serafin?”
“Ganyang-ganyan din si Precy ko, pare. Eksakto, the same, walang pinagkaibahan. Parehong-pareho. Magkumare talaga.”
“Hindi ko matanong, nakasinghal ka’gad. Laging nakaasik. Parang laging lalamon ng tao. Wala naman daw siyang lahing aswang.”
“Eksakli. Tama. Tumpak. Pareho rin.”
Si Serafin naman ang nagulat. “Anong tama, anong tumpak… Ibig mong sabihin, pare… nawawala rin ang mga ibang damit mo at nang itanong mo kung nasaan, nagalit?”
“Bakit mo nalaman, pareng Serafin?”
“Magkumare nga sila. E, pareng Efren… ano ang sabi ni mare nang itanong kung nasaan ang mga nawawala mong damit.”
“Iniabuloy lang pala sa nasunugan.”
“Tumpak ka rin, pareng Efren. Ganyan din ang sabi ni mareng Precy mo. Hindi raw lang sa nasunugan kundi sa binaha rin. Saka sa lindol yata.”
“D’yan ako hindi makakapayag, pare. ‘Yong lindol, matagal na ‘yon. Mahigit na yatang twenty years ‘yon, pare.”
“Oo nga, pare. Hindi nga yata sa lindol. Pero parang idinamay din ng kumara mo ang lindol.”
Katahimikan. Matagal. Sa malas, parehong nag-iisip ng malalim ang magkumpare.
Si Efren ang unang nagsalita. “Alam mo, pareng Serafin Navarro?”
“Hindi pa, pareng Efren Caballero. Ano ba ‘yon?” “Nagi-guilty ako, pareng Serafin.” “Saan ka naman nagi-guilty, pareng Efren? Nagka-kaso ka ba? Theft o robbery?”
Bigla, malungkot na na malungkot ang Efren. “Baka ‘kako, pareng Serafin… masyado na tayong nalululong sa trabaho. Baka napapabayaan na natin ang obligasyon natin sa kanila.”
Itutuloy…