Balita

Hotshots, markado sa Gov’s Cup

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

4:15 n.h. -- Alaska vs Blackwater 7 n.g. -- Star vs Phoenix

ITATAYA ng Star Hotshots ang malinis na karta sa pagsagupa sa Phoenix sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatul­oy ng 2017 PBA Governors Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 7:00 ng gabi kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Alaska at Blackwater ganap na 4:15 ng hapon.

Huling tinalo ng Hotshots ang Grand Slam seeking San Miguel Beer nitong Agosto 4, 104-98, para sa ikatlong sunod na panalo at pangunahan ang maagang pangunguna sa liga.

Matutungha­yan ngayon kung may epekto sa laro ng Hotshots ang mahigit dalawang linggong layoff kontra Fuel Masters na maghahanga­d makabangon sa tinamong four-game slump, pinakahuli noong nakaraang Biyernes sa kamay ng Meralco Bolts, 104-107.

Nagbalik ensayo na para sa Hotshots ang kanilang top defender at isa sa mga beteranong lider na si Marc Pingris ngunit wala pang kumpirmasy­on kung lalaro na ito ngayon matapos ang mahabang pamamahing­a sanhi ng hip injury.

Sa unang laban, malaking katanungan pa rin kung makakaahon na ba ang Alaska sa kinahuluga­ng apat na sunod na kabiguan sa pakikipagt­uos nito sa Blackwater na inspirado naman matapos padapain ang NLEX Road Warriors sa nakaraan nilang laban sa iskor na 107-106, parehas ng iskor sa huling pagkatalon­g nalasap ng Aces sa kamay ng TNT noong Agosto 4.

Ang nasabing kabiguan ng Aces ang kanilang ika-12 sunod mula pa noong nakaraang Commission­er’s Cup.

Nanguna naman sa nabanggit na ikalawang panalo ng Elite sa loob ng limang laro si Roi Sumang na nagtala ng kanyang career high na 32-puntos at inaasahang muling magpapakit­ang gilas kabalikat si import Henry Walker upang makamit ang ikatlong panalo para makasalo ng Rain or Shine sa ika-6 na puwesto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines