Balita

PH men’s volleyball, sadsad sa unang laban

- Ni REY BANCOD

KUALA LUMPUR – Humataw, ngunit kinulang ang Philippine volleyball men’s team.

Natamo ng Pinoy ang nakalulung­kot na straight set na kabiguan sa kamay ng mas mabilis at inspiradon­g Vietnam side sa opening match ng men’s volleyball­ng 29th Southeast Asian Games nitong Lunes ng gabi.

“Kulang pa sa toughness and consistenc­y,” pahayag ni national coach Sifronio Acaylar, patungkol sa koponan na nabuo lamang nitong Marso.

Iginiit ni Acaylar na makabubuti na panatilihi­n ang komposisyo­n ng koponan para mas maging handa sa susunod na internatio­nal meet.

“We need to continue the program because I think we’re in the right track,” aniya.

Ayon kay Acaylar, datin ring National player, na mahalagang masanay ang koponan sa mahabang panahon para maging handa sa 2019 SEAG edition sa Manila.

“If we want to contend for the gold medal when we host the Games two years from now,” aniya.

Malaking dagok sa Nationals kung mabubuwag ito pagkatapos ng SEAG.

Matapos ang pahinga, sasabak ang koponan kontra Indonesia ganap na 7:00 ng gabi ngayong Miyerkules sa MiTEC Hall 11.

Samantala, naghahanda na ang women’s volleyball sa kanilang pagsalang kontra host Malaysia bukas.

Iginiit ni National coach Francis Vicente ang kahalagaha­n ng tiwala sa isa’t isa para malagpasan ang hamon ng karibal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines