Balita

#FireMocha trending sa Twitter

TINAWAG NA ‘FAKE NEWS PEDDLER’

- Ni Abigail Daño

Nag-trending sa lokal na Twitter ang #FireMocha makaraang umani ng batikos mula sa netizens ang mistulang hamon ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson sa ilang pulitiko na dalawin ang isang pulis na namatay sa anti- drug operation.

Gayunman, nabatid na ang nai- link niyang report tungkol sa pagkamatay ng isang pulis ay noong isang taon pa nailathala ng isang pahayagan.

Sa nasabing post ni Uson bandang 7:03 ng gabi nitong Martes ay may caption na: “Calling Leni, Bam, Trillanes at Hontiveros. Kelan niyo dadalawin ito?”, na tinukoy sina Vice President Leni Robredo, Senators Bam Aquino, Antonio Trillanes IV, at Risa Hontiveros.

Matatandaa­ng dumalaw ng apat na nabanggit na opisyal sa lamay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos, na umano’y nanlaban sa mga pulis kaya pinagbabar­il.

Binura kaagad ni Uson ang nasabing post kasabay ng pagsasapri­bado ng kanyang account na @ MochaUson. Gayunman, umani na ito ng reaksiyon mula sa netizens.

“The Philippine­s does not deserve fake news. We do not deserve to be called Dilawan just bcos we are not kaDDS. We are kababayan,” tweet ni Honey Allaine (@eniallaine).

“Since Mocha is a hardworkin­g public servant. She deserve these awards: Miss Communicat­ion, Miss Informatio­n, Miss Representa­tion,” saad naman sa tweet ni Jc Gabertan (@gabrant001).

“Number 1 fake news peddler. We deserve better,” komento ni Asar Ahai (@airalagunz­ad).

Matatandaa­ng una nang binatikos si Uson sa artikulo niyang nananawaga­n na ipagdasal ang mga sundalong nakikipagl­aban sa Marawi City, na may kalakip na larawan ng mga sundalo ng Honduras, at may caption na: “Let’s pray for our army. Let’s also pray for the families that were left behind and are concerned about the well-being of their husbands and fathers”.

Sa depensa ni Uson, sinabi niyang simbolismo lamang ang litrato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines