Balita

MABUTING BALITA Pag 21:9b-14 ● Slm 145 ● Jn 1:45-51

-

Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi nito sa kanya: “Ang tinukoy ni Moises na nakasulat sa Batas at Mga Propeta, siya ang natagpuan namin—si Jesus na anak ni Jose, na taga-Nazaret.”

Sinabi sa kanya ni Natanael: “May mabuti bang galing sa Nazaret?” Sagot ni Felipe: “Halika’t tingnan mo.”

Nakita ni Jesus si Natanael na palapit sa kanya at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitan­g walang pagkukunwa­ri.” Sinabi sa kanya ni Natanael: “Paano mo ako nakilala?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.”

Sumagot si Natanael: “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” Sumagot si Jesus: “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo.”

At idinugtong ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”

PAGSASADIW­A:

May mabuti bang galing sa

Nazaret?— Ito ang tanong ni Natanael (na kilala rin bilang Bartolome). Hindi niya kilala si Jesus. Hamak ang tingin niya sa Nazaret. Kaya naman, sa paniniwala niya, hindi magmumula rito ang anuman o sinumang mabuti. Ganoon katapat si Natanael. Kaya naman, tinawag siyang “walang pagkukunwa­ri.” Tapat nga siya ngunit mapag-alinlangan. Maging ang Panginoon ay kanyang pinagdudah­an. Hindi niya kinilala ang kanyang bantog na kapangyari­han. Ang damdamin ni Natanael ay larawan ng saloobin ng maraming tao na may negatibong pananaw. “Ikinakahon” nila ang isang tao o isang pangyayari. Tila wala nang pag-asang umunlad.

Sa pagdating ng Panginoon, ang Diyos na nagkatawan­g-tao, mayroon nang pag-asa sa pagbabago ng mga tao, lugar, at pangyayari.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines