Balita

Kim Domingo, may hugot sa fake friends

-

SINO

kaya ang pinatutung­kulang “mga kaibigan” ni Kim Domingo na mabait lang sa kanya ‘pag kaharap siya pero sinisiraan na siya ‘pag nakataliko­d.

May hugot ang sexy star para sa mga kaibigan niyang ito.

“‘Yung mga taong nagsalita o may ginawa na hindi maganda sa ‘ kin, sa harap ko man o likod. ‘ Yung mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan sila sa ‘yo. ‘Yung mga taong manggagami­t. ‘ Yung mga taong akala mo magiging tunay mong kaibigan. ‘Yan ang mga klase ng tao na iniiwasan ko. Walang dahilan para makipagpla­stikan ako sa kanila.

“Sa totoo lang, hindi naman ako mahirap maging kaibigan, pinipili ko lang talaga kung sino ang totoo at loyal sakin kahit ano pang mangyari sa buhay ko. Madami ng nagdaan pero nawala din. At may iilan na nananatili pa ding totoong kaibigan ko, sila ang mga taong lubos kong pinasasala­matan dahil bibihira sa mundong ito ang makahanap ng tunay na kaibigan. Para sakin, di bale ng kaunti ang kaibigan ko basta totoo.”

Samantala, malapit nang mapanood uli sa primetime si Kim dahil kasama siya sa cast ng Super Ma’am ni Marian Rivera. Maganda ang kanyang role bilang sister ni Marian pero sa simula ng story, hindi sila close.

Very thankful si Kim nang malamang si Marian pa mismo ang pumili sa kanya para gumanap na kapatid nito sa Super Ma'am.

Sabi ni Kim tungkol kay Marian: "With my Queen na SUPERRR Down to earth at kulit. Mas lalo tuloy siyang minamahal. #GandaNaBai­tPa. I love you at Maraming Salamat sa pagkakatao­n @marianrive­ra.”

 ??  ??
 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines