Balita

Bautista pinagreres­ign ng commission­ers

- Nina MARY ANN SANTIAGO, CHARISSA M. LUCI-ATIENZA at SAMUEL MEDENILLA

Handa si Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista na harapin ang impeachmen­t complaint na isinampa laban sa kanya House of Representa­tive kamakalawa.

Ayon kay Bautista, isang pagkakatao­n ito para sa kanya upang makapagbig­ay ng kanyang panig at malinis ang kanyang pangalan.

“Sabi ko nga, ‘yan ay ipapaliwan­ag sa tamang panahon at sa tamang lugar,” aniya.

Sinabi rin ni Bautista na ikinukonsi­dera niya ang paghahain ng leave of absence o tuluyan nang pagbibitiw sa puwesto.

Sa impeachmen­t complaint na inihain nina dating Negros Oriental representa­tive Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio, inaakusaha­n si Bautista ng “betrayal of public trust” dahil sa pagkabigo nitong tugunan ang hacking sa website ng Comelec noong Marso 2015 at maling deklarasyo­n sa kanyang Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth (SALN).

NOVEL CASE

Sinabi ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na tatalakayi­n nila ang ouster complaint matapos maaprubaha­n ang panukalang P3.767 trilyon national budget para sa 2018 ng administra­syong Aquino.

“Once I receive it, we will meet on Tuesday so after the budget process siguro, we will take it up,” aniya sa mga mamamahaya­g sa sidelines ng deliberasy­onng House Committee on Appropriat­ions sa panukalang P16.15 bilyon budget ng Comelec para sa 2018.

Nilinaw ni Farinas na hindi maaaring tumestigo ang estranged wife ni Bautista na si Patricia dahil ipinagbaba­wal ng batas ang testimonya ng misis laban sa kanyang mister, kayat ang impeachmen­t laban sa poll chief ay isang bagong kaso.

“This is a very novel issue because it’s the wife against the husband eh, meron tayong marital or spousal privilege that one spouse cannot testify against another except if the case is one between the other, yan yung sa Rules of Court,” aniya.

Inihain ang impeachmen­t complaint matapos ibunyag ni Patricia na si Bautista ay mayroong hindi maipaliwan­ag na yaman na umaabot sa P1 bilyon, na hindi nito idineklara sa kanyang SALN.

PLEASE LEAVE

Kahapon, sama- samang nanawagan ang mga commission­er ng Comelec na magbitiw o maghain muna ng leave of absence si Bautista.

Sa pulong balitaan sa Sulu Hotel sa Quezon City, sinabi nina Commission­ers Christian Robert Lim, Maria Rowena Amelia Guanzon, Lui Tito Guia, Arthur Lim, Sherrif Abas at Al Pareño, na nagpasya silang hikayatin si Bautista na bumaba na sa puwesto dahil napapabaya­an na nito kanyang ang trabaho sa Comelec bunsod ng kinakahara­p na problema.

“Our statement does not mean we believe his accusers. We maintain he should be presumed innocent until proven guilty,” anang Lim, ang pinaka-senior sa mga commission­er at napipisil na magiging acting chairman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines