Balita

Digong never iuurong ang drug war

- Ni Genalyn D. Kabiling

Puwede siyang pababain sa puwesto ng mga kritiko o kahit pa ipapatay pero walang plano si Pangulong Duterte na baguhin ang kanyang polisiya sa giyera ng gobyerno kontra droga.

Ipinahayag ng Pangulo na ang kanyang administra­syon “will not retreat” sa drug war kahit na maging sanhi pa ito ng pagkamatay niya o pagkakatan­ggal niya sa pagkapangu­lo.

“Now, you want me to change? No…I’ll be destroyed? Yes. I’ll be impeached? Correct. I am not. I can be impeached. Gusto mo, barilin mo ako, but I will not change my policy,” lahad ni Duterte sa pagbubukas nitong Miyerkules ng Solar Philippine­s Factory sa Sto. Tomas, Batangas.

“There will be war against drugs because I have to protect, that’s my oath of office, the mass of population… I have that sworn duty to defend the people and protect the Republic,” aniya.

Ayon kay Duterte, ang bansa ay isa na ngayong “narcopolit­ics state” dahil sa pinaghihin­alaang pagkakasan­gkot ng ilang opisyal sa gobyerno, kabilang ang mga kapitan ng barangay, sa bentahan ng ilegal na droga. Inilahad din niyang ang bentahan ng droga ay nakatulong sa grupo ng Maute na makakalap ng pondong ginamit upang makapagdek­lara ng rebelyon sa Mindanao.

“I will not retreat hanggang hindi ito matapos ang droga,” ani Duterte.

“You can assassinat­e me. You can impeach me or file cases, go ahead. But I will stick with my campaign promise,” aniya.

Nilinaw din ng Pangulo na poprotekta­han niya lamang ang state forces na pagganap sa kanilang tungkulin, at hindi ang sangkot sa pangaabuso at iba pang pagkakasal­a.

Binanggit din ni Duterte, sa unang pagkakatao­n, na ang pagpatay ng mga pulis kay Kian Delos Santos, 17, sa Caloocan City ay hindi isang halimbawa ng makatarung­ang pagtupad sa tungkulin.

“I’m not justifying ‘ yung sa Caloocan. It was really bad. Hindi naman performanc­e of duty ‘yung ganun. Do not commit a crime,” saad niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines