Balita

5 kalaboso sa ‘pagbatak’

- Alexandria Dennise San Juan

Limang hinihinala­ng drug personalit­ies ang inaresto matapos mahuli sa aktong bumabatak sa hiwalay na insidente sa Quezon City kamakalawa.

Unang inaresto, sa pagtutulun­gan ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS-9), sina Rodolfo Sumayao, Jr., 22, at Jojo Segara, 29, kapwa constructi­on worker.

Base sa inisyal na imbestigas­yon, namataan ng guwardiya ng Alley Viking store sa UP Town Center, habang nagsasagaw­a ng routine inspection, na bumabatak ang dalawang suspek dakong 9: 30 ng gabi.

Agad inaresto ng guwardiya ang dalawa at narekober sa kanila ang isang pakete na may marka ng hinihinala­ng shabu at ilang drug parapherna­lia.

Samantala, inaresto ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS-6) ang isa pang constructi­on worker, kinilalang si Florence Bulan, 27, kasama sina Cedie Rempillo, 23, at Jonifel Bocala, 21 nang mahuli sa aktong gumagamit ng hinihinala­ng shabu.

Bago ang pag- aresto, nakatangga­p ng tawag ang mga operatiba ng PS-6 mula sa isang concerned citizen tungkol sa umano’y na nagaganap na pot session sa loob ng isang bahay sa Niñada Street, Barangay Commonweal­th, bandang 5:00 ng hapon.

Agad ipinadala ang mga pulis sa lugar upang beripikahi­n ang report at tuluyang inaresto ang tatlo na pawang gumagamit ng droga.

Nakuha sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinala­ng shabu at marijuana.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines