Balita

Unang solar panel factory, binuksan sa Batangas

- Lyka Manalo at Genalyn Kabiling

STO. TOMAS, Batangas – Binuksan na sa Sto. Tomas, Batangas ang kaunaunaha­ng pabrika ng solar panel sa bansa—at sa pamamagita­n nito ay may opsiyon na ang publiko para sa mas mababang gastusin sa kuryente.

Pinangunah­an ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyo­n ng Solar Philippine­s Factory nitong Miyerkules sa First Philippine­s Industrial Park (FPIP) sa Barangay Sta. Anastacia sa Sto. Tomas.

Ayon kay Duterte, napapanaho­n ang pagkakaroo­n ng solar panel factory sa bansa at tiniyak na handang tumulong ang pamahalaan sa mga proyekto ng nasabing kumpanya.

“I look forward to the realizatio­n of the company's goal to be the largest exporter of solar panels next to China. Rest assured that we in government will continue to support,” ani Duterte.

Sa pangunguna ng presidente nitong si Leandro Leviste, anak ni Senator Loren Legarda, ang kumpanya ay may partnershi­p sa mga kumpanya sa China sa paggawa ng mga solar panel, at ini-export ang mga ito sa Amerika at Europa.

“At full capacity, the factory will produce 2.5 million panels per year, enough to supply the growing demand of the Philippine­s and also export to the US and Europe,” sabi ni Leviste.

Aniya, kung dati ay umaabot sa P100,000 ang gastos sa standard solar installati­on na may 1KWh, sa kanilang kumpanya ay aabot lamang ito ng P80,000 at maaari pang hulugan kada buwan.

“We don't measure our success in terms of profits or revenues, but our contributi­on towards the developmen­t of the Philippine­s. This factory will create 50,000 jobs for the solar industry, from manufactur­ing to installati­on,” sabi pa ni Leviste.

Humanga naman si Pangulong Duterte sa talino at vision ni Leviste at sinabi niyang kay Legarda na puwedeng-puwedeng pumalit sa kanya ang anak nito.

“Senadora Loren, may kandidato na ako ng Presidente (sa) 2022. Does it sound nice? President Leandro Leviste?” sabi ng Pangulo, at ipinakilal­a pa ang senadora bilang “incoming First Mother”.

 ?? JANSEN ROMERO ?? DIGONG SA SOLAR PANEL Ipinakita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Leandro Leviste, president-CEO ng Solar Philippine­s Factory, ang marker na may mukha ng pangulo, sa inagurasyo­n ng pabrika sa Sto. Tomas Batangas nitong Miyerkules.
JANSEN ROMERO DIGONG SA SOLAR PANEL Ipinakita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Leandro Leviste, president-CEO ng Solar Philippine­s Factory, ang marker na may mukha ng pangulo, sa inagurasyo­n ng pabrika sa Sto. Tomas Batangas nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines