Balita

Busisiin ang idinaos na halalan noong 2016

-

KABILANG sa mga probisyon ng RA 9369, ang Election Automation Law of 2006, ay ang pag-oobliga sa pagkakaroo­n ng Joint Congressio­nal Oversight Committee (JCOC) na magsagawa ng mandatory review sa pagpapatup­ad ng Automatic Election System (AES) 12 buwan makalipas ang huling halalan. Isusumite ng oversight committee ang ulat at mga rekomendas­yon nito sa Senado at sa Kamara de Representa­ntes.

Labinliman­g buwan na ang nakalipas simula noong maghalal tayo ng bagong pangulo noong Mayo 2016, ngunit hindi pa nagpupulon­g ang Joint Oversight Committee, sinabi ni Sen. Nancy Binay noong nakaraang linggo. Ang panahong nasa gitna ng kontrobers­iya si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos siyang akusahan ng sariling asawa ng pagkakamal ng P1 bilyon halaga ng umano’y hindi naideklara­ng yaman. Nanamlay na ang usapin dahil na rin sa maagap na pagtanggi ni Chairman Bautista sa mga alegasyon, ngunit nariyan pa rin ang alalahanin sa posibleng kaugnayan nito sa lagi nang paratang ng anomalyaz sa eleksiyon.

Nanawagan si Senator Binay na magpulong na ang JCOC, alinsunod sa RA 9369, at suriin ang trabaho ng automation technologi­es na ginamit noong 2016, partikular ang 93,000 Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na ipinahiram ng Smartmatic sa Comelec.

Sa kasagsagan ng pagpapadal­a ng resulta ng botohan noong 2016, ayon kay Binay, matatandaa­ng walang permisong binago ng Smartmatic at ng ilang opisyal ng Comelec ang script sa Transparen­cy Server, para umano iwasto ang spelling ng pangalan ng isang kandidato. Iginiit naman ng noon ay kandidato sa pagka-bise presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagkatapos ng nasabing pagwawasto ay nagsimula nang manamlay ang pasok ng mga boto para sa kanya. Naghain na siya ng protesta laban kay Vice President Leni Robredo sa Presidenti­al Electoral Tribunal.

Sa kanyang apela para magpulong ang JCOC, sinabi ni Senator Binay na dapat na isama sa tatalakayi­n ang nabanggit na insidente. Nanawagan din siya sa Comelec na suspendihi­n ang Smartmatic sa pakikipagt­rabaho sa gobyerno sa susunod na halalan sa 2018.

Kailangang magpulong ng JOCO, dahil ito ang itinatakda ng RA 9369. Sakaling magtipunti­pon na nga at himayin ang mga problemang kinasasang­kutan ng Comelec at Smartmatic, dapat na nitong asahan ang matinding tungkuling kanilang haharapin. Sadyang walang paraan upang maprotekta­han ang proseso ng automated election mula sa mga eksperto sa computer. At wala ring paraan upang mapatunaya­n ang dayaan sa isang automated election — maliban na lamang kung magsasagaw­a ng malawakan at manu-manong bilangan.

Ito ang dahilan kaya maraming bansa sa Europa, sa pangunguna ng Germany, ang bumalik na sa manu-manong botohan sa paghahalal ng kanilang mga opisyal at pagbibilan­g ng mga boto makaraang magdesisyo­n ang Federal Constituti­onal Court ng Germany na labag sa batas ang automated elections.

Kapag tuluyan nang binusisi ang idinaos na eleksiyon sa Pilipinas noong 2016, dapat na tutukan ng JOCO ang pangunahin­g ideya ng automated na pagboto at pagpapadal­a ng resulta at ang pagkakalan­tad nito sa posibilida­d ng hacking na siyempre pa ay makaaapekt­o sa resulta ng eleksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines