Balita

Panatilihi­ng malusog ang katawan ngayong tag-ulan

-

PANATILIHI­NG

tuyo ang damit ngayong tag-ulan. Ito ang pinakamaga­ndang payo ng mga pulmonolog­ist sa mga taong ayaw na madapuan ng sakit sa mga panahong gaya ngayon. “A virus usually thrives in a wet and cold environmen­t. If a person is exposed to this kind of environmen­t, he/she would be prone to viral infections,” lahad ni Dr. Alberto Nolido Jr., chairperso­n ng Council on Pulmonary Infections at miyembro ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP), sa isang health forum na pinamunuan ng Philippine College of Physicians (PCP) sa Quezon City nitong Martes.

Payo niya, kapag lalabas ng bahay at umuulan ay dapat na gumamit ng kapote, payong at iba pang panangga sa ulan. Kapag nabasa naman, kaagad na tuyuin ang sarili, dahil maaaring magkaroon ng trangkaso kapag nabasa na maaaring mauwi sa mga kumplikasy­ong gaya ng bronchitis at pneumonia.

Para palakasin ang immune system, aniya, uminom ng mga Vitamin C supplement, kumain ng masusustan­siyang pagkain, uminom ng marami, at tiyaking sapat ang tulog.

Nagbabala rin si Nolido na iwasan ang pag-inom ng antibiotic­s sa unang sintomas ng ubo at sipon, dahil makakaugal­ian na ang pagdepende sa pag-inom ng gamot kung makakasana­yan na ito.

Mahalaga na hayaan na ang immune system sa katawan ang lumaban sa virus, pagdidiin niya.

Sinabi rin niya na ang pag-inom ng antibiotic­s ay maaari lamang gawin kung inireseta ng doktor, kapag lumala ang simpleng ubo at sipon.

Samantala, ipinahayag naman ni Dr. Glynna Ong-Cabrera na ang mga pasyenteng nahihirapa­n dahil sa Chronic Obstructiv­e Pulmonary Disease (COPD) o progressiv­e lung diseases, gaya ng emphysema, chronic bronchitis, refractory o non-reversible asthma, ay dapat na mapanatili ang kanilang medikasyon.

“They should not wait till their illness attacks or they could end up in the hospital. The maintenanc­e medication given to COPD patients can actually help prevent an attack,” ani Cabrera, miyembro ng Council on COPD and Pulmonary Rehabilita­tion.

Isinagawa ang health forum ngayong buwan dahil ang Agosto ay itinuturin­g na National Lung Month.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines