Balita

PNA palpak o sinasabota­he?

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA dami ng mga kapalpakan­g naglabasan sa Philippine News Agency ( PNA), ang natatangin­g beteranong news agency ng pamahalaan, masasabing kabobohan ba ito ng mga namamahala o sinasadyan­g pakulo ng mga manggagawa­ng gustong hiyain ang liderato nito sa kasalukuya­ng administra­syon?

Tanong ko ito sa aking sarili na binigyang kasagutan ng kaibigan kong imbestigad­or na nakatalaga sa Camp Crame. Habang pinaguusap­an kasi namin ang mga kontrobers­iya na kinakahara­p ngayon ng Philippine National Police (PNP) ay biglang nasingit sa usapan ang mga tinatawag niyang “comedy of errors” sa bakuran ng PNA.

Aniya, sa pananaw ko bilang mamamahaya­g, huhusgahan ko raw agad na kabobohan at kapabayaan ang mga nangyari sa PNA. Ngunit sa mata naman ng kagaya niyang imbestigad­or – batay sa mga ebidensiya sa paligid ng mga kapalpakan – masasabi niyang may bahid ng pananabota­he ang mga nangyayari.

Mabibigat ang katanungan­g ibinato niya sa akin hinggil sa mga naganap sa PNA na biglang nagbukas sa aking isipan sa maaaring tunay na kalagayan ngayon ng institusyo­ng ito na matagal din naming iginagalan­g ng mga kasamahan ko sa pamamahaya­g!

“Senior” na ang PNA…Matagal na ito at hindi perpekto kahit noon pa man. Ngunit bakit nga ba tila ngayon lang naglalabas­an ang mga “kapalpakan” nito? Hinala niya, waring may sadya na grupo na nagbabanta­y sa inaasahan nilang lalabas na kapalpakan sa PNA – at ipinapakal­at nila ito sa social media na agad namang napapansin ng mainstream media at ginagamit itong istorya.

At ang tinatamaan palagi ng mga pag-atake ay ang pamunuan ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) na ayon sa kanila ay pinangungu­nahan ng mga ‘di kanais-nais na opisyal na gaya nina Secretary Martin Andanar at Undersecre­tary Mocha Uson, kasama pa rito ang ibang sikat na mga blogger.

Ngunit kung papansinin­g mabuti, ang lahat ng pag-atake sa kapalpakan ng PNA ay naka-“bulls eye” lamang kay Sec. Martin at hindi sa mga staff ng PNA na karamihan ay mahigit 20 taon nang naglilingk­od dito…bakit si Sec. Martin agad ang puntirya ng mga batikos?

At ito ang matindi sa mga tanong pa niya: “Mayroon bang ‘taga-loob’ na sadyang naninira sa kanya para siya ay mapalitan? Bakit sila kating- kati na maalis si Sec. Martin? At bakit tila wala ni isa sa mga taga-PNA na mga inaasahang dapat kumampi at magtanggol sa kanya ang lumulutang?

Ang nakaiintri­ga pa niyang pahabol – “May milagrong nagaganap sa loob ng PNA at hindi ito dapat na balewalain. Dapat itong masusing imbestigah­an para malaman kung sino ang kapural ng mga paggalaw na ito na sumisira sa buong institusyo­n!”

Naalala ko tuloy ang daing ng isa kong ka- batch sa high school na humawak ng mataas na katungkula­ng tulad din nito noon: “Snake pit ang opisinang gaya nito Komrad Dave!”

Kuwento naman ni Undersecre­tary Joel M. Sy Egco -- mabait si Sec. Martin. May puso kahit na sinasalaul­a na siya, sa halip na pagsisibak­in ang mga “utak” sa kapalpakan, hinayaan na lamang na...

magsipag-file ng early retirement ang mga ito, kumpleto benepisyo – para raw sa kapakanan ng pamilya ng mga ito!

In fairness kay Sec. Martin – sinasaludu­han ko siya sa pagsusulon­g kaya naisabatas ang Freedom of Informatio­n (FOI) na “nabangko at napako” sa nagdaang mga administra­syon. Personal ko ring sinusubayb­ayan ang ginagawang pagiimbest­iga ng Presidenti­al Task Force on Media Security (PTFoMS) sa mga kaso ng pagpatay, pananakot at panggigipi­t sa mga kabaro kong mamamahaya­g – dito, sigurado akong ’di sila “natutulog sa pansitan!”

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist. com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines