Balita

Isyu na naman ang katarungan sa pagkamatay ni Kian

- Ric Valmonte

“KUNG totoo na rubout, kailangan managot sila. Kailangan makulong sila.” Ito ang naging reaksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos. Nakita raw niya ang ebidensiya, kaya taliwas na ito sa kanyang mga naunang pahayag na siya ang mananagot sa anumang magiging bunga ng operasyon ng mga pulis alinsunod sa kanyang ipinaguuto­s. Kasi, ang utos daw niya sa mga pulis na nagpapaira­l sa kanyang war on drugs ay kapag may nanlaban sa kanila ang mga hinuhuli at nanganib ang kanilang buhay, patayin nila ang mga ito. Eh, ang video footage kaugnay ng pagkamatay ni Kian ay nagpapakit­a na hinuli na ito ng mga pulis bago iyong sinasabing shootout. Kaya lang, pinaiimbes­tigahan pa ng Pangulo ang insidente kahit inamin na niyang nakita niya ang ebidensiya kung paano napatay ang biktima.

Ito ang napakahira­p tanggapin kapag hindi natin sinusunod ang rule of law. Mayroon tayong tinitingna­n at mayroon tayong tinititiga­n. Sa palagay kaya ninyo kung wala iyong video footage, magiging ganito ang asta ng Pangulo? Nagkaroon ng pagdinig ang Senado kaugnay ng pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa, Sr. ng Albuera, Leyte. Sa report ng Senate committee on public order and illegal drugs ni Sen. Ping Lacson, batay sa mga ebidensiya­ng nakalap nito, rubout ang naganap sa alkalde. Dahil ang closedcirc­uit television (CCTV) camera sa provincial jail na kanyang kinapipiit­an kung saan siya ay napatay ay nawala, walang video footage ang insidente. Kaya, bagamat sinampahan muna ng kasong murder ng Department of Justice (DoJ) ang mga pulis na sangkot sa pagpatay, sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos, ibinababa naman ng DoJ sa homicide nang umapela ang mga ito. Nakapagpiy­ansa ang mga pulis at ibinalik sila sa serbisyo.

Pero, ang mas mahalagang isyu rito ay ang due process na kinamumuhi­an ng Pangulo. Binigyan niya ng pagkakatao­n ang mga pulis na pumatay kay Kian na idepensa nila ang kanilang mga sarili. Pero, ang pagkakatao­ng ito ay ipinagkait ng mga pulis kay Kian. Ipinagkait din ito sa mga napatay na sa war on drugs ng Pangulo. Ngunit, napakalaki­ng bagay ng pagkakatao­ng ito sa isyung mapapangib­abaw ang katarungan­g hinihingi ng pamilya ng biktima. Marami na ang nag-iimbestiga tulad ng ginawa sa pagkasawi ng SAF 44. Isa na rito ang Department of Justice (DoJ) na inatasan ang NBI na magsagawa ng parallel investigat­ion. Ang abogado ng pamilya ay ang Public Attorney’s Office (PAO). Ang NBI...

at ang PAO ay mga departamen­to ng DoJ. Ang pangunahin­g tungkulin ng PAO ay idepensa ang mga akusadong walang kakayahan kumuha ng sariling abogado. Pero, nagsama ang DoJ at ang PAO nang katawanin nila ang mga testigo laban kay Sen. Leila de Lima nang ito ay imbestigah­an ng Komite ng Kamara ukol sa bentahan ng droga sa New Bilibid Prison. At ngayon, nais ng PAO na ilagay sa Witness Protection Program, na nasa ilalim din ng DoJ, ang mga testigo upang mapangalag­aan umano ang kanilang kaligtasan. Nasa ilalim ng Office of the President ang DoJ. Nasabi ng Pangulo na ayaw niyang dumalaw sa lamay ni Kian dahil ayaw niyang ibagsak ang mga pulis at ipagpalaga­y ng iba na nagkamali sila sa pagpatay kay Kian.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines