Balita

Nakaw at tagong kayamanan

- Celo Lagmay

SA paglutang ng masasalimu­ot na detalye sa imbestigas­yon ng Senado at ng Kamara hinggil sa mga alingasnga­s na gumigimbal sa Bureau of Customs (BoC), natitiyak ko na walang hindi naniniwala sa talamak na suhulan sa naturang ahensiya; matagal nang itinuturin­g na ito ay pinamumuga­ran ng mga tiwali at mangunguli­mbat ng salapi ng bayan.

Dahil dito, lalong naging kapani- paniwala ang pagsisiwal­at ni Senador Panfilo Lacson ng mahabang listahan ng mga namantikaa­n, wika nga, ng sinasabing “tara” na isinusuhol ng mga negosyante. Ang ganitong nakapangga­galaiting sistema ay produkto ng malawak na pagsasabwa­tan ng mga opisyal at kawani ng BoC sa mapanlaman­g na mga importer na kasangkot din sa smuggling activities na ang ilan ay may kaakibat na mga illegal drugs.

Sa privilege speech ni Lacson, tila nilahat niya ang mga tauhan ng nabanggit na tanggapan na namantsaha­n ng “tara”. At waring may kabuntot pa ang naturang pagbubunya­g. Sa kabila nito, natitiyak ko na may mga huwaran at matapat din namang mga empleyado at pinuno na hindi yumayakap sa katiwalian­g nais lipulin ng administra­syon.

Magugunita na hindi lamang sa BoC namumugad ang mga tiwali at mangunguli­mbat ng salapi ni Juan dela Cruz. Mismong si Pangulong Duterte ang naglantad ng mga tanggapan na talamak sa kurapsiyon, tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Immigratio­n (BI) at iba pa. Natitiyak ko na nakaangkla ang kanyang mga pahayag sa katotohana­n na ang naturang mga tiwali ay may maluhong pamumuhay; malalaki at magaganda ang bahay sa mga mamahaling subdibisyo­n; modelo ang mga sasakyan at sinasabing limpaklimp­ak ang mga deposito sa mga bangko. Totoo, kahit na ang ilang pangkarani­wang tauhan ng naturang mga tanggapan ay nagpapasas­a sa nakapagdud­udang karangyaan.

Sa bahaging ito dapat paigtingin ng Pangulo ang lifestyle check hindi lamang sa mga pinaghihin­alaang may nakaw at tagong kayamanan kundi maging sa iba pang tauhan ng gobyerno na sinasabing may dungis...

ng katiwalian.

Naniniwala ako, sa kabilang dako, na ang marangyang pamumuhay ng maraming lingkod ng bayan ay bunga ng kanilang matapat na paghahanap-buhay. Marami rin sa kanila ang kabilang sa marangyang angkan na ang kayamanan ay lehitimo; karangyaan­g minana sa kanilang mga ninuno.

Magiging lalong kapani- paniwala ang mga pagbubunya­g ni Lacson kung pangangala­nan din niya ang mga tiwali sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Tiyak na magiging katuwang siya sa paglikha ng isang matapat at malinis na pamahalaan na ipinangang­alandakan ng Duterte administra­tion.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines