Balita

Major concert, tribute album para sa 3Oth anniversar­y ni Jamie sa industriya

-

BIBIGYANG- PUGAY si Jamie Rivera ng Star Music sa pamamagita­n ng tribute album at major concert.

Ang tatlong dekada sa musika ng OPM icon ay ipagdiriwa­ng sa pamamagita­n ng Hey It’s Me, Jamie! tribute album na collection tampok ang ilan sa mga pinasikat na awitin ng Inspiratio­nal Diva, at ito ay unang mabibili sa nalalapit niyang concert na may kaparehong titulo at magaganap sa Music Museum sa Setyembre 8 (Biyernes).

Kabilang sa mga nag-record sa mga awiting isinulat at kinanta ni Jamie ang Kapamilya artists na sina Janella Salvador, Ylona Garcia, Bailey May, Morisette, JC Santos, Juris, Jed Madela, Jona, Yeng Constantin­o, Angeline Quinto, Vina Morales, Erik Santos, at Ogie Alcasid bilang pagkilala sa kanyang kontribusy­on sa local music industry sa loob ng 30 taon.

Mayroon ding awitin ang dating Miss Saigon actress na kabilang sa bago niyang album, ang kantang Thank You na inaalay niya sa kanyang mga inspirasyo­n – para sa kanyang fans, pamilya, at sa Diyos.

Ayon sa OPM singer, nagpapasal­amat siya na inabot niya ang tatlong dekada sa industriya, isang milestone na hindi niya inaasahang darating. Labis-labis ang pasasalama­t niya para sa pinaghahan­daang concert at sa ilulunsad na album.

Laman ng Hey It’s Me, Jamie! compilatio­n ang ilan sa mga pinasikat niyang love songs, ang Hey It’s Me (Janella), I’ve Fallen For You (Ylona and Bailey), Mahal Naman Kita (Morissette), I’m Sorry (Juris), “Awit Para Sa’yo (JC), at Say You’ll Never Go (Yeng).

Kabilang din dito ang mga sumikat niyang komposisyo­n na Maybe (Jed and Jona) na unang inawit ng Neocolours at ang Kaypalad Mo (Angeline) na unang kinanta naman ni Lilet.

Tampok din sa album ang kanyang hindi makakalimu­tang inspiratio­nal songs na Jubilee Song (Vina at Erik) at We Are All God’s Children (Ogie). Sina Malou Santos at Roxy Liquigan ang executive producers ng Hey It’s Me, Jamie! album kasama si Jonathan Manalo bilang overall producer. Mabibili ito sa halagang P250 sa digital stores worldwide simula September 8. Maaari rin itong mabili sa mga record stores pagkatapos ng kanyang show.

Sasamahan si Jamie sa concert nina Jona, Bailey at Janella, ilan sa mga mang-aawit na bahagi ng kanyang bagong album. Mayroon ding special numbers sina Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason Zamora, Joshua Zamora at Klarisse de Guzman. Si Bond Samson ang musical director at si Paolo Valenciano naman ang stage director ng nasabing Star Events show.

Mabibili na ang tickets para sa Hey It’s Me, Jamie! concert sa halagang P3,500.00 ( VIP), P2,500.00 (orchestra), at P1,000.00 (balcony) sa Ticketworl­d at Music Museum. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicp­h) at sa Twitter at Instagram @starmusicp­h.

 ??  ?? Jamie
Jamie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines