Balita

Andi Eigenmann, pinababaya­an na ang sarili?

- Ni JIMI ESCALA

NANGHIHINA­YANG

ang isang magaling na aktres na ayaw magpabangg­it ng pangalan kay Andi Eigenmann na dati niyang nakasama sa isang TV project. Sabi ng aktres, magaling umarte si Andi at talagang may ibubuga sa larangan ng drama.

Pero nagtataka siya kung bakit tila wala na itong proyekto ngayon.

“Nakapanghi­nayang talaga ang batang ‘ yan. Magaling umarte at maganda naman talaga, pero parang parang nawala na ang init ng career niya,” sey ng not-so-old but-notso-young actress.

Kuwento pa niya, kamakailan lang ay nagkasalub­ong sila ni Andi at nagkumusta­han. Ang napansin daw niya ay tila nawala na ang dating maamo at magandang aura ng anak ni Jaclyn Jose.

“Parang tinatamad na siyang mag-ayos sa sarili niya. Dati kasi nu’ng magkasama kami sa taping, eh, hindi lumalabas ‘yan sa dressing room niya na walang ayos. Kumbaga, very conscious siya noon sa hitsura niya. Ngayon, eh, parang okey lang sa kanya na makita siya ng lahat na walang kaayusayos,” kuwento pa ng mahusay na aktres.

Pero dagdag ng source, ipinagmala­ki ni Andi sa kanya na masayang-masaya ito ngayon sa piling ng modelong boyfriend.

Binanggit din daw ni Andi na kahit may misunderst­anding sila ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito ay ipinadama naman nito ang pagiging ama sa anak nilang si Ellie.

“Kahit hindi kami nagkakasun­do or kung anuman ‘ yan, when it comes to Ellie alam kong mahal na mahal niya ang anak namin, so ‘yun lang ang importante sa akin. ‘Yung isyu sa aming dalawa, eh, I’m willing to set aside just for what’s the best for my daughter,” banggit pa raw ni Andi Eigenmann.

 ??  ?? Andi
Andi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines