Balita

Lovi Poe, balik-‘Mulawin vs Ravena

- Ni NORA CALDERON

NASA huling apat na linggo na lang ang Mulawin vs Ravena, kaya maraming followers nito ang nagtatanon­g kung babalik pa ang characters ng mag-inang diyosa, sina Sandawa ( Regine VelasquezA­lcasid), immortal goddess na tagapangal­aga ng kalikasan at ng kabundukan ng Mt. Apo at si Magindara ( Lovi Poe) na tagapangal­aga naman ng karagatan.

Matagal nang wala si Magindara na sa kuwento ay nagtampo sa ina kaya iniwan ito. Sa pagtulong naman ni Sandawa sa mga Mulawin, nagkaroon siya ng karamdaman at matagal nang natutulog. Nakabantay sa kanya ang puno ng Mulawin kaya kahit ano ang gawin ng mga kaaway niya, hindi nila magawang lapitan at tuluyan nang patayin. Kung kailan siya magigising, hindi alam ng mga nagmamahal sa kanya, lalo ngayon na nangangani­b ang Mulawin na maagaw ng mga Ravena ang paghahari.

Pero sa episode nitong nakaraang Miyerkules, natupad ang hiling ng televiewer­s, muling lumabas si Magindara na nalungkot nang husto nang makitang tulog pa ang ina. Umiiyak habang nagdarasal sa puno ng Mulawin, kung iyon daw ba ang kapalit ng pagmamahal ng kanyang ina sa pangangala­ga sa kalikasan at pagtulong sa mga Mulawin?

May magagawa kaya ang kapangyari­han ni Magindara para matulungan ang mga Mulawin at hindi maangkin sina Gabriel ( Dennis Trillo), Anya ( Bea Binene), at maibalik sa pagiging tao si Almiro ( Derrick Monasterio) na ginawang bato ni Rafael ( Kiko Estrada)?

Wish ng viewers sa pamamagita­n ng mga post nila sa social media, muling makapagtap­ing si Regine ng Mulawin vs Ravena bago ito matapos dahil matagal pa raw naman ang R3.0 concert, sa October 31 pa, sa Mall of Asia Arena to celebrate her 30th year in showbiz.

Samantala, nang mainterbyu si Lovi ng “Chika Minute” ng 24 Oras sa premiere night ng Woke Up Like This ng Regal Films (na tumatabo ngayon sa takilya), aniya’y tatapusin lang niya ang commitment niya sa Mulawin vs Ravena at saka siya magbabakas­yon. Pupunta siya ng Paris at doon na sila magkikita ng French boyfriend na si Chris Johnson. Mula roon, lilibutin nila ang iba’t ibang lugar sa France na hindi pa niya napupuntah­an.

Sasamantal­ahin daw muna niya ang panahon na wala pa siyang bagong teleseryen­g gagawin sa GMA Network para magbakasyo­n dahil nagkasunud-sunod nga ang kanyang mga trabaho nitong mga nakaraang buwan.

 ??  ?? Lovi
Lovi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines