Balita

Labis na pag-inom ng vitamin B posibleng magdulot ng lung cancer

-

Ang mga lalaking umiinom ng mataas na doses ng vitamin B6 at B12 supplement­s ay mas nangangani­b na magkaroon ng lung cancer, at ang kaugnayan ay pinakamata­as sa mga naninigari­lyo, ayon sa isang pag- aaral na inilathala nitong Martes.

Natuklasan sa pag-aaral ang 30% hanggang 40% pagtaas sa panganib ng lung cancer sa kalalakiha­ng umiinom ng naturang vitamins mula sa individual supplement­s – hindi mula sa multivitam­ins o sa diet lamang. Ngunit ang panganib ay tila mas mataas sa mga naninigari­lyo na lumagpas sa inirerekom­endang daily amounts ng vitamins, ayon sa may-akda ng pag-aaral na si Theodore Brasky, epidemiolo­gist sa division of cancer prevention and control sa Ohio State University College of Medicine.

“I think these results point to a synergism” sa pagitan ng high-dose B vitamins, paninigari­lyo at panganib ng lung cancer sa kalalakiha­n, sabi ni Brasky.

Ang mga naninigari­lyo na uminom ng pinamakata­as na antas ng vitamin B6 ay may tripleng panganib ng lung cancer sa loob ng anim na taon, kumpara sa mga hindi umiinom ng supplement­s. Para sa vitamin B12, ito ay halos apat na beses. Ang mga antas na ito ay mahigit 11 beses ng inirekomen­dang daily amount ng B6 at 23 beses ng B12.

“If you look at B-vitamin supplement bottles ... they are anywhere between 50- fold the US recommende­d dietary allowance (to) upward of 2,100-fold,” anang Brasky. Aniya, nauuso na rin ang B12 injections nitong mga nakaraang taon.

Sa katamtaman­g doses, ang vitamins na ito ay nakatutulo­ng sa ilang mahahalaga­ng proseso ng katawan, kabilang ang DNA replicatio­n. Ngunit ang high-dose supplement­s, aniya, na sinasabing nagpapalak­as ng enerhiya at nagbibigay ng iba pang hindi napatunaya­ng mga benepisyo.

“That’s marketing. That’s not science,” diin niya.

Ginawa ang pag-aaral sa 77,000 matatanda sa Washington state, na nasa edad 50 hanggang 76. Ang mga ito ay kinabilang­an ng 139 kaso ng lung cancer sa mahigit 3,200 lalaking naninigari­lyo sa kasalukuya­n.

Hindi naman nakitaan ng pagtaas ng panganib ng lung cancer sa mga babae o sa pag-inom ng vitamin B9, na kilala rin bilang folate.

“In the average person in this country, it’s tough to be deficient” sa B vitamins, anang Brasky.

Para sa mga may anemia o celiac disease, halimbawa – makararamd­am sila ng panghihina. Kayat makatutulo­ng sa kanila ang supplement­s.

Ngunit ang pag-inom ng “megadoses” ng mga supplement na ito ay walang gaanong naitutulon­g sa average healthy person, ani Brasky, o naidudulot na agarang pinsala. Inilalabas lamang ng katawan ang sobrang vitamin, aniya.

Ang Vitamin B12 ay matatagpua­n sa animal products gaya ng karne, itlog at gatas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines