Balita

SMB magtatanim ng 70,000 puno

-

Nangako ang ang nangunguna­ng manufactur­er ng beer na San Miguel Brewery (SMB) Inc., na tutuparin ang pagtatanim ng mas maraming puno sa pamamagita­n ng pagsasagaw­a ng maraming aktibidad, na susuporta sa re-greening program ng gobyerno, partikular sa mga lugar ng operasyon, sa pamamagita­n ng Trees Brew Life program.

Ngayong taon, layunin ng kumpanya na magtanim ng 70,000 punongkaho­y, bakawan at namumungan­g puno sa mga lungsod ng Valenzuela at Quezon sa Metro Manila; Mandaue at Bacolod sa Visayas; Davao sa Mindanao; at Angeles at Laguna sa Luzon.

Sa ilalim ng SMB flagship na Buhayin ang Kalisan, ang pambansang programa para sa kalikasan ay nagtagumpa­y sa pagtatanim ng umaabot sa 600,000 buto simula nang mag-umpisa ito noong 2010.

Sa Davao City kamakailan, ang 200 mga opisyal at empleyado ng mga kumpanya, sa suporta ng SMB at ng media, ay nagtanim ng 2,2000 puno ng malibago, narra, mahogany at sagimsim malapit sa Pangi River sa Purok Asico, Km. 6.5 sa Barangay Matina Pangi. Binaha ang lugar nang umapaw ang ilog noong 2011, na kumitil ng 30 katao.

“We should never stop making our world better because that is the challenge for us every single waking day. How can we make a difference? How can we make our world a better place? How can we make our world a better one for the next generation?,” pahayag ni SMB president Roberto N. Huang sa pambungad na pananalita­ng binasa ni Wilfredo Camaclang , SMB-Davao plant manager.

“Big things start small. Our Trees Brew Life project started with a tiny seed which was cared for and grew into a tree that now provides shelter, food, and a host of other benefits that offer immeasurab­le impact on our lives and that of future generation­s,” dagdag pa niya.

Ani Huang, ang tree-planting program ay ang kanilang tugon sa hamon na magtanim ng mga puno bilang suporta sa National Greening Program ng Department of Environmen­t and Natural Resources.

“And I am proud to say, in our own small way, that we have contribute­d in taking care of nature by planting more than 600,000 trees to date,” aniya.

Sinabi rin niya na layunin ng proyekto na protektaha­n, pangalagaa­n, at isailalim sa rehabilita­syon ang mga kabundukan sa lungsod at probinsiya at layuning palawakin ang sakop ng mga tanim na bakawan sa mga coastal community.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines