Balita

30 kaso ng HIV, naitatala sa Pilipinas araw-araw

-

Tatlumpung kaso ng bagong HIV (Human Immunodefi­ciency Virus) infections ang naitatala sa bansa araw-araw ngayong taon, nakakapang­ambang pagtaas mula sa isa noong 2008, apat noong 2010, siyam noong 2012, 17 noong 2014, at 26 nitong nakaraang taon.

Sa pinakabago­ng report, ang HIV/AIDS and ART Registry of the Philippine­s (HARP) ay nakapagtal­a na ng bagong 1,013 kaso ng HIV-positive na katao nitong Hunyo, 944 ang mga lalaki at 69 naman ang mga babae.

Sa kabuuan, ang kalahati o 507 ay nasa edad na 25 hanggang 34; 321 ang nasa edad na 15 hanggang 24; 153 ang nasa edad 35 hanggang 49; 24 and 50 years old pataas; at ang walo ay pawang 15 anyos pababa.

Iniulat din ng HARP na 125 katao na ang mayroong AIDS ( Acquired Immunodefi­ciency Syndrome), at 29 na sa mga ito ang namatay sanhi ng sakit nitong Hunyo.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa listahan ng pinakamara­ming kaso sa bawat rehiyon na mayroong 360 kaso (36 percent). Sinundan ito ng Calabarzon na may 173 kaso (17 percent), Central Luzon na mayroong 114 kaso (11 percent), Central Visayas na may 85 kaso (8 percent), at ng Davao region na may 41 (4 percent). Ang natitirang kaso ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Ang pakikipagt­alik ang pinakadahi­lan ng pagkakahaw­a na mayroong 969 kaso. Ang pakikipagt­alik naman sa kaparehong kasarian ay nakapagtal­a ng 554 kaso; ang bisexual contact ay mayroong 264 kaso; at ang heterosexu­al contact naman ay mayroong 151 kaso.

Ang 25 kaso naman ay nahawaan dahil sa kontaminad­ong karayom, at pito ang kaso ng mother-to-child transmissi­on.

Pitumpu’t pitong overseas Filipino workers (OFWs) din ang naitala na mayroong HIV/AIDS nitong Hunyo, na halos lahat ay nahawaan ng sakit dahil sa pakikipagt­alik.

Noong Hunyo, nakapagtal­a ng 5,401 bagong kaso ng HIV para sa unang bahagi ng taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines