Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

- Ni Leonardo T. Buluran R.V. VILLANUEVA

Ika-101 labas

GUSTONG sorpresahi­n ng magkaibiga­ng Efren at Serafin ang kani-kanilang mga misis kaya umuwi sila ng wala sa oras. Ang unang nilang pinuntahan ay ang kina Efren. Pero sila ang nasorpresa. Gulung-gulo ang kabuuan ng bahay nina Efren.

“A-ano kaya ang nangyari dito, pare?” Hindi naitago ni Efren ang kaba sa kanyang boses.

“Kinakabaha­n yata ako, pare,” sabi naman ni Serafin.

“God! Huwag naman po sana,” nagkrus pa si Efren.

Walang kibong umikot-ikot si Efren sa kabuuan ng bahay. Sa maliit na sala. Sa maliit na silid. Sa kusina. Sa banyo. Sumilip-silip sa mga ilailalim. Lahat ng ginagawa ni Efren, ginagaya ni Serafin. Pagkuwan, pareho silang sumalampak sa sofa. Pareho silang pagod na pagod. Parehong mukhang takot.

Higit na matindi yata ang takot ni Efren. “Sabog na sabog ang kuwarto namin! Ni hindi natitiklop ang kumot. Ni hindi natanggal ang kulambo. Nakasabog ang mga damit namin.”

“Palagay ko, pinasok kami ng magnanakaw!” pahinagpis ang pagsasalit­a ni Efren, parang gustong umiyak.

“’Yon din ang hinala ko, pare.” Sang-ayon ni Serafin. “At si mareng Deth, b-baka… baka k-kinidnap.”

“Huwag mong sabihin ‘yan!” Patiling sabi ni Efren na nakalimuta­n yatang hindi naman siya beki.

Sabay na nagkrus ang magkumpare pero si Efren lang ang nagsalita: “San Lazaro, San Juan, Sta. Ana, Sto. Kristo… nakawin na nila ang lahat… huwag lang ang pinakamama­hal kong si Deth. Baka po naglilihi na ‘yon e, makunan. Kawawang junior ko, hindi pa ‘pinapangan­ak biktima na ng kidnap!”

“Mabuti kaya, pareng Efren… maghanap uli tayo. Baka nagtatago lang si Deth at gusto kang sorpresahi­n. Mahilig sa sorpresa ang misis mo, pare!”

Hanap uli sila. Hanap. This time, wala silang pinalagpas. Ilalim ng kama, ilalim ng sofa, pati ilalim ng lampshade. Pati loob ng palayok, kaldero, mga tauban ng pinggan. Lahat ng piraso ng papel din sa ilalim ng sapin ng kama. “Pare, may sikreto rito. Basahin natin.”

Binasa nila ang nasa notebook. Sinigang na bangus—P20; tortang talong—P 10; ginisang munggo—P15; daing na prito—P15; tilapyang inihaw—P20 at etc. etc. pa.

Matinding nag-iisip si Efren: “Listahan ito ng… oo, mga inuulam naming ito.” Isip pa ng kaunti: “Oo nga. Kaya pala kung nasasarapa­n ko ang ulam, wala nang maidagdag.”

“Teka, pareng Efren… baka may mahukay pa akong sikreto.” Naghanap-hanap pa si Serafin. “Heto pa, pareng Efren.”

Ilan pa uling mga piraso ng mga papel.

Kandidilat ang Efren: “Sta. Mesa, Sta. Cruz, Sto. Cristo! Mga papel de ahensiya ito! At kaya pala hindi ko na nakikitang suot ni Deth ang mga kwintas at bracelet niya, namamahay na pala sa sanglaan.”

“Kabado na ‘ko, pareng Efren. Parang may kutob na ‘ko.”

“Ano’ng kutob ‘yon, pareng Serafin?”

“Isara mo muna ‘tong bahay n’yo. Kailangan lumipat tayo sa amin sa lalong madaling panahon. Sa amin naman tayo mag-iimbestiga,” sabi ni Serafin.

Payag agad ang Efren. “Oo nga, pare. Palagay ko, may ginagawang milagro ang dalawang babaeng ‘yan.”

At mabilis pa sa kidlat na lumipat nga sina Efren at Serafin sa bahay ng huli. Tantaranta­aaaaannnn, tsapter!

Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines