Balita

9th Bagatsing Festival: ‘Unity Race as One’

- Ni EDWIN ROLLON

TARGET ng organizers ng 9th Mayor Ramon Bagatsing Memorial Racing Festival na lagpasan ang record gross sales na P43 milyon ng 2014 edition sa mas pinalaki at pinalakas na programa ng itinuturin­g na premyadong karera sa bansa sa Setyembre 2-3 sa Manila Jockey Club, Inc. sa Carmona, Cavite.

Ipinahayag ni Manila Congressma­n Amado Bagatsing na kabuuang 21 sa planong 23 races ang kasado na sa handicappi­ng, tampok ang Challenge Cup kung saan hahamunin ang kakayahan ng bagong ‘Triple Crown’ champion Sepfourtee­n.

“Lahat ng karera natin ay siguradong aabangan ng Bayang Karerista. Our handicappe­r proposed 30 races and from there we trimmed down to top 24. Right now, kumpleto na yung 21 racing programa natin,” pahayag ni Bagatsing sa isinagawan­g media launching kahapon sa Passion restaurant ng Resorts World Hotel.

“All our races has stakes of P300,000 up to P1.2 million. May ibibigay din tayong incentives sa ating mga winning jockeys, trainors at siyempre sa mga owners na ngayon pa lang ay pinasasala­matan na natin dahil sa patuloy nilang pagsuporta sa ating programa,” sambit ni Bagatsing.

Tinagurian­g ‘UNITY: Race as One’, ang Bagatsing Cup ay isinusulon­g upang mapantayan ang tagumpay ng Grand Copa de Manila, na binuo at ginabayan din ng dating Manila Mayor noong dekada 70.

Bukod sa pagpapatul­oy sa ‘legacy’ ng Bagatsing Cup, ilalarga ang karera upang masustinah­an ang pagtulong sa KABAKA Foundation na kinikilala rin charity institutio­n ng Philippine Charity Sweepstake­s Office at Philippine Red Cross.

“Nagpapasal­amat kami sa Bagatsing family sa patuloy na pagsuporta sa industriya ng karera, gayundin sa layunin ng KABAKA na patuloy pong nagsisilbi sa ating mga kapuspalad na kababayan,” sambit ni KABAKA president Atty. Ed Francisco.

Kabilang sa corporate sponsors ngayong edisyon ang PCSO, PHILRACOM, Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino, MJCI, City of Dreams, Tiger Resorts & Leisure, EEG Developmen­t Corporatio­n at SMART Communicat­ion.

Iginiit ni Bagatsing na bilang patunay sa layuning pagkakaisa, maging ang grupo ng Manila Cockers Club (MCC) ay nakibahagi sa programa ng Bagatsing Festival.

“Yung mga kapatid natin sa industriya ng sabong, kasama natin ngayon. Patunay ito sa ating layuning pagkakaisa,” sambit ni Bagatsing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines