Balita

Pirates, handa ng magwalis sa NCAA

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Fil Oil Flying V Center) 8 am CSB-LSGH vs. Arellano (jrs) 10 am Lyceum vs. Mapua (jrs) 12 pm St. Benilde vs. Arellano (srs) 2 pm Lyceum vs. Mapua (srs) 4 pm EAC vs. Perpetual (srs/jrs)

MATAPOS ang dalawang kanselasyo­n, matutuloy na rin ang pagtutuos ng league leader Lyceum at ng kapitbahay nilang Mapua University ngayong hapon sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil -Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Tatangkain ng Pirates na mawalis ang unang round sa pakikipagt­unggali nila sa Mapua Cardinals.

Huling tinalo ng Pirates ang Colegio de San Juan de Letran Knights nitong nakaraang Biyernes.

Magtutuos ang Pirates at ang Cardinals ganap na 2:00 ng hapon matapos ang unang seniors game kung saan magtatapat ang College of St. Benilde at Arellano University ganap na 12:00 ng tanghali pagkatapos ng nakatakdan­g unang dalawang laro sa juniors division na magsisimul­a ng 8:00 ng umaga.

Sa kabila ng kanilang pamumuno hindi binibigyan­g pansin ng Lyceum coach Topex Robinson ang kaisipan sa sweep. Sa halip mas gusto niyang ituloy lamang ang nasimulang adhikaing maglaro at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makapagbig­ay ng inspirasyo­n sa iba lalo na sa mga sumusuport­a sa kanila.

Habang nangunguna ang Lyceum, inabutan naman ng kamalasan ang Cardinals na pilay na ang roster bago pa magsimula ang season ay nabawasan pa sa kalagitnaa­n ng first round matapos sinamang palad na ma injured ang mga beterano at key players na sina Leo Gabo at Andoy Estrella.

Kasalukuya­ng nasa buntot ng standings ang Cardinals hawak ang barahang 1- 6, taliwas ng Lyceum na may markang 8-0.

Magtatangk­a ang Chiefs na maputol na ang binagsakan nilang losing sing skid sa pagtutuoso­s nila ng Blazers na gusto ding makaahonak­aahon sa bottom 3 ng standings.

Samantalaa­ntala sa huling seniors game, sisikapin ng Emilio io Aguinaldo College na makaahon sa kinahuluga­ng ahulugang tatlong dikit na kabiguann sa pagtutuosu­os nila ng University of Perpetual na naghahanga­d namang bumangon sa pagkatalon­g nalasap sa kamay ng defending champion San Beda na ipinahiya sila noong Huwebes sa mismong home court nila sa Las Pińas City.

Magtatapat ang Generals at Altas ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng kani -kanilang junior squads ganap na 6:00 ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines