Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

- Ni Leonardo T. Buluran

Ika-103 labas

HABANG naghahanap ang magkumpare­ng Efren at Serafin, puntahan naman natin ang mga kaganapan sa bingohan ni Nana Senyang.

Samantala, ang araw na iyon ay araw yata ng magkaibiga­ng Deth at Precy. Markado sa mga mukha nila ang walang pingas na kaligayaha­n. Kung titingnan, ekspertong-eksperto na sila sa larong bingo. Ang nakapaikot sa kanila ay may tatlumpong karton at mabilis nilang natutundus­an ang mga iyon.

Sa pagkakatao­ng iyon, si Deth ang may hawak ng tambiyolo. Bihasangbi­hasa na siyang magpaikot-ikot at kumalog-kalog ng naturang lalagyan ng bolang kinasusula­tan ng mga numero ng bingo.

Sa darating naman ang Efren at Serafin. Malayo pa sa binggohan, inihinto na ni Efren ang kanilang sasakyan at pinili na lang maglakad sila para hindi sila makatawag ng pansin.

Sa pagpasok pa lang nila ng bakuran sa bingohan, natanaw na sila ni Nana Senyang. Dahil kilala na ni Nana Senyang ang dalawa, pinilit niyang senyasan sina Deth at Precy. Pero paano naman siya mapapansin, ang dalawang babae ay bising-bisi at maligayang­maligaya dahil nga sa pagkapanal­o.

“Bola… bola! Pipikit… didilat, ang senyoritan­g may balbas sa gitna ng gubat!” sigaw ni Deth.

“Puro! Puro!” sigaw din ni Precy. “Suwerte ako sa pandilyo ng mister ko, ‘yong huling ibinenta ko, may kasamang brief.”

Lakas lang ng tawanan ng mga nagbibingo.

Hindi mahapayang gatang si Deth, sumigaw din: “’Yong pantalong ibinenta ko, hindi pa nalalabhan. Amoy kuwan pa ‘yon ng mister ko.”

Muli, malakas na tawanan. Sandaling natigil ang pagbola ni Deth. May sumigaw: “Tuloy ang bolahan!”

Kinalog ni Deth ang tambiyolo: “O, handa na ba kayo? Kinalog, kinalog at saka hinugot! Heto na, heto na… sa letrang B, kuwatro… sa ingles, four. I love you before but now no more!”

Pinagtatan­tusan ni Deth ang kanyang mga karton… “Ang dami ko,” sabi na ang ibig sabihin ni Deth ay maraming four sa kanyang mga karton.

“Sige na, mare… bira na uli!” sigaw ni Precy. “Mapag-uulam ko na ngayon ng masarap si Serafin ko. Matutubos na rin ang mga alahas ko.”

“Tuloy ang bolahan! Wala na ang mga pasakalye!” parang inis ang sumigaw. Siguro’y natatalo.

Bola ang Deth. “Binola… binola, kabayong mola! Hinugot… hinugot ang laman. Letrang B na naman. Matigas na matigas, pang madaling araw!”

Maingat, maingat na maingat, nagtungo si Efren sa gawing likod ni Deth. Marami na ang nakakitang naalarma pero wala namang nakaimik. Si Serafin, sa gawi naman ni Precy nagtungo. Walang kamalay-malay ang dalawang misis na naroon na ang kanikanila­ng mga mister.

“Uno… uno!” sabi ni Deth habang tinatantus­an ang kanyang mga karton. “Ang dami na naman!”

“Pang madaling araw pala,” sabi ni Efren na sadyang binago ang boses. “E, ano naman kaya, misis… ang pambambo sa katanghali­an?”

Hindi lumilingon, sagot ni Deth: “Walang numero ang pambambo. Palakol ang meron, siyete!”

“Mali po kayo, misis,” hindi na binago ni Efren ang boses. “Merong numero ang pambambo!”

Tumingala at lumingon si Deth sa likod niya. Namutla. Napatili, pero impit. Pabulong: “E-efrennn!”

Umi-eksena rin si Serafin. “Puro na ho ba kayo, misis?”

Hindi lumilingon, hindi yata nakilala ang boses ng asawa, sabi ni Precy: “Dalawang numero pa sana.” E, bigla yatang naalala ang boses ni Serafin. Namutla. Napatili. “Serafin, darling!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines