Balita

50- 0: Mayweather undefeated pa rin

Mayweather tinapos si McGregor sa 10th round

-

LAS VEGAS (AP) – Mistulang sinukat ni Floyd Mayweather Jr. ang kanyang ika- 50 katunggali sa ibabaw ng ring matapos hayaan si Conor McGregor na mamayagpag sa mga naunang rounds ng kanilang laban bago niya ito sinupil sa bandang huli kung saan naubos ang lakas nito para dumipensa.

Binugbog ni Mayweather si McGregor sa mga huling rounds bago ito tuluyang pinahinto sa natitirang 1:05 ng 10th round sa pamamagita­n ng magkakasun­od na suntok na pumuwersa kay referee Robert Byrd na itigil na ang laban.

Sa mga naunang rounds, malakas ang sigawan ng proMcGrego­r crowd sa tuwing makakatama ang suntok ng UFC star kay Mayweather bago siya dinurog nito at itala ang unang stoppage win matapos ang halos isang dekada.

Matapos ang laban, muling inanunsiyo ni Mayweather na ito na ang magiging huling laban niya at tuluyan na siyang magpapahin­ga.

Bagamat una pa lamang pagsabak sa isang profession­al boxing match, impresibo sa simula ng laban si McGregor.Pero pagkaraan ng tatlong rounds, tila naubusan ito ng hangin at dito na siya sinimulang pasadahan ni Mayweather.

“I think we gave the fans what they wanted to see,”wika ni Mayweather. “I owed them for the (Manny) Pacquiao fight.”

Nauna nang nagsabi si McGregor na pababagsak­in nya si Mayweather sa loob ng dalawang rounds. Nagawa naman niyang patamaan ng kanyang kamao si Mayweather sa ulo ngunit pagdating ng fourth round nang matukoy na ng huli ang dapat niyang gawin ay nagbago ang takbo ng laban.

“I turned him into a Mexican tonight,” wika naman ni McGregor . “He fought like a Mexican.”

Namayani ang karanasan ni Mayweather matapos niyang maisakatup­arang mabuti ang kanyang plano sa laban.

“Our game plan was to take our time, go to him and take him out in the end,” ayon pa kay Mayweather . “I guaranteed everybody this fight wouldn’t go the distance.”

“I was a little fatigued,” pagamin naman ni McGregor.”He was composed in there, that’s what 50 pro fights can give you.”

Dahil sa panalo ay tumaas ang rekord ni Mayweather sa 50- 0 ( panalo- talo), na lumagpas sa rekord ni Rocky Marciano na 49-0.

“This is my last fight for sure. 50- 0 sounds good, I’m looking forward to going into the Hall of Fame,” ani Mayweather . “I picked the best dance partner to do it with.”

 ??  ?? MAKIKITANG­MAKAKIKITI­TATANGAAK AK K TA nayanign ng isng matinding atinding r right hook ni Floyd Mayweather Jr. si Conorno nor or McGregor sa tagpong ito sa naging laban nila kahapon sa Las Vegas. Nagwagi si Mayweather sa laban sa pamamagita­n ng 10th...
MAKIKITANG­MAKAKIKITI­TATANGAAK AK K TA nayanign ng isng matinding atinding r right hook ni Floyd Mayweather Jr. si Conorno nor or McGregor sa tagpong ito sa naging laban nila kahapon sa Las Vegas. Nagwagi si Mayweather sa laban sa pamamagita­n ng 10th...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines