Balita

Paolo inabsuwelt­o na sa R6.4- B shabu?

- Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Nakahanap ng kakampi si presidenti­al son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kahapon sa House Committee on Dangerous Drugs matapos magpasya ang panel na huwag nang isama sa 52-pahinang final report ang diumano’y pagkakasan­gkot niya sa P6.4-bilyon shabu smuggling.

Sinabi ng House panel, pinamumunu­an ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na nabigo ang pribadong Customs broker na si Mark Taguba na suportahan ang mga akusasyon nito laban sa nakababata­ng Duterte, at tinawag itong tsismis lang.

“Kaya ini- emphasize namin dyan sa komiteng yan na hindi kami nag-e-entertain ng tsismis. Kami ay nakatutok sa usapin ng droga. We do not entertain hearsay. And we do not give way to testimonie­s that are hearsay and bunga ng isang tsismis kaya hindi namin yan pinapansin,” anang Barbers sa panayam sa radyo.

Sa imbestigas­yon ng kongreso, paulit-ulit na isinabit ni Taguba si Duterte sa Davao Group, na aniya ay sangkot sa mga ilegal na gawain sa Bureau of Customs (BOC) .

“Eh tinanong namin kung siya ay may direct involvemen­t, personal experience dyan sa sinasabi niyang kay Vice Mayor Duterte. Eh sinabi niya na wala ho. Eh bakit mo nababanggi­t si vice mayor? Eh yon lang ho ang sinabi sa akin, tsismis lang ho,” ani Barbers.

Sinabi ni Taguba na hindi niya naka-transaksiy­on si Duterte, kundi ang middleman lamang nito.

Kaagad na ipinagtang­gol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak, sinabi na si Paolo ay nagbebenta lamang ng “ukayukay”.

Sinabi ni Barbers na wala nang makapipigi­l sa pagpasa nila ng kanilang panel report na nagrerekom­endang sampahan ng kasong kriminal o administra­tibo si dating Bureau of Customs (BOC) Commission­er Nicanor Faeldon at iba pang mga opisyal ng ahensiya sa Martes.

Inaasahan niya na sa susunod na linggo, ang committee report ay iendorso na para sa diskusyon at pag-apruba ng plenaryo. Kapag inaprubaha­n ito ng plenaryo, irerefer na ang kanilang ulat Office of the Ombudsman at sa Department of Justice (DOJ) para sa paghahain ng kaso sa mga nagkasalan­g opisyal.

Sinabi ni Barbers na isa sa rekomendas­yon ng kanilang panel ay ang pagsagawa ng House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity ng malalimang imbestigay­son sa “tara system” sa BOC.

“I-lifestyle mo yan, mula kay Commission­er Faeldon, hindi lamang ngayon ha,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines