Balita

Saan ililipat si Faeldon?

- Argyll Cyrus B. Geducos

Posibleng hindi pa magtapos o tuluyan nang matuldukan ang paglilingk­od sa pamahalaan ni outgoing Bureau of Customs (BOC) Commission­er Nicanor Faeldon, ayon sa Malacañang.

Ito ay matapos mapaulat na nakipagkit­a si Faeldon kay Pangulong Duterte noong nakaraang linggo kasunod ng desisyon ng Presidente na tanggapin na ang pagbibitiw sa tungkulin ni Faeldon bilang Customs chief.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, wala pa silang detalye sa napaulat na paghaharap nina Duterte at Faeldon, ngunit tiyak niyang nananatili­ng buo ang tiwala ng Pangulo sa dating komisyuner.

“Hindi po natin alam saan specifical­ly [siya ililipat]. Sa pananalita ng Presidente, ang sabi po niya, meron po siyang trust sa kanya,” sinabi ni Abella nang tanungin ng mga mamamahaya­g sa Davao City tungkol sa plano ni Duterte kay Faeldon. “However, let us see how will it totally unfold kung saan siya ilalagay o kahihinatn­an niya.”

Matatatand­aang itinalaga ng Pangulo si Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) Chief Isidro Lapeña bilang kapalit ni Faeldon sa BoC.

Napagitna sa kontrobers­iya si Faeldon at ang buong BoC dahil sa P6.4-bilyon kontraband­o ng shabu na lumusot sa kawanihan at nasamsam sa isang bodega sa Valenzuela City noong Mayo.

Sinabi naman ng Malacañang na suportado ni Duterte ang anumang imbestigas­yon sa pagkakasan­gkot ni Faeldon sa kurapsiyon sa BoC, gaya ng ibinunyag ni Senator Ping Lacson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines