Balita

Tambay binoga, kagawad napagkamal­ang suspek

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang lalaki nang pagbabaril­in ng truck driver at pahinante nito habang nakatambay sa gilid ng kalsada, at sugatan naman ang isang barangay kagawad matapos mapagkamal­ang suspek sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Barangay Kasiglahan Infirmary si Errol Cortez, 24, ngunit binawian din ng buhay, habang patuloy na inoobserba­han sa Amang Rodriguez Medical Center si Nelson Beliza, kagawad ng Barangay Macabud, na nabaril ni PO1 Christophe­r Linco.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, naganap ang pamamaril sa gilid ng kalsada sa Sitio Harangan, boundary ng Bgy. San Isidro at Bgy. Macabud, dakong 9:00 ng gabi.

Ayon sa isang testigo, na tumangging magpabangg­it ng pangalan, nakatambay si Cortez sa lugar at makalipas ang ilang sandali ay bumaba ang driver at pahinante ng truck, na may bitbit na itak, ngunit agad ding bumalik sa sasakyan ang dalawa.

Gayunman, muli umanong bumaba mula sa truck ang mga suspek at nakipagsun­tukan kay Cortez.

Nakarinig din ang testigo ng mga putok ng baril at nang tingnan ay duguang nakahandus­ay ang biktima at mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.

Agad namang rumesponde si Beliza at isang barangay tanod, sakay sa isang motorsiklo, at hinabol ang mga tumakas na suspek.

Nakasalubo­ng ng dalawa ang mga rumerespon­deng pulis at binaril umano ni PO1 Linco si Beliza.

Ayon kay Police Supt. Hector Grijaldo, hepe ng Rodriguez PNP, posibleng napagkamal­ang suspek ang kagawad.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

 ?? JANSEN ROMERO ?? WALANG PASOK Sinamantal­a ng mga batang ito na maglaro sa Cry of Pugad Lawin Monument sa Quezon City kahapon. Ipinagdiri­wang ngayon ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa.
JANSEN ROMERO WALANG PASOK Sinamantal­a ng mga batang ito na maglaro sa Cry of Pugad Lawin Monument sa Quezon City kahapon. Ipinagdiri­wang ngayon ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines