Balita

Hustisya giit ng naulila ng pinugutang sundalo

- Liezle Basa Iñigo

MANGALDAN, Pangasinan – Hustisya ang mariing hinihiling ng pamilya ng retiradong sundalo ng Philippine Army na dinukot at pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan kamakailan.

Sa kanyang bayan sa Mangaldan, Pangasinan nakaburol ngayon si retired Master Sgt. Julio Pasaoa.

Mismong asawa ni Pasaoa na si Salome Pasaoa, 58, ang nagsusumam­o ng tulong mula kay Pangulong Duterte para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dating sundalo.

“Nanawagan po kami sa Pangulong Duterte na matulungan kami [sa] pinansiyal at makamit ang hustisya sa brutal na pagkakapat­ay sa aking asawa,” sabi ni Salome sa panayam ng Balita. “Nagsilbi po ang aking asawa bilang sundalo para ipagtanggo­l ang bayan, kaya napakasaki­t na mauwi lang sa pagpugot sa kanyang ulo [ ang pagtatapos ng kanyang buhay].”

Kuwento ni Salome, nakausap pa niya kamakailan sa telepono ang asawa at sinabihan itong umuwi na sa Pangasinan, subalit tumanggi si Julio.

“Ayaw niya umuwi. At ito nga umuwi, bangkay na,” ani Salome.

Matatandaa­ng dinukot ng Abu Sayyaf si Julio nang sumalakay ang mga bandido sa Barangay Upper Mahayahay sa Maluso, Basilan nitong Agosto 21, makaraang sunugin ang bahay ng dating sundalo.

Martes ng madaling araw naman nang matagpuan ang pinugutang katawan at ang ulo ni Julio sa Maluso.

Nagpa- convert sa Islam si Pasaoa at piniling manatili sa Basilan kasama ng ikalawa niyang asawa na si Aya, 42, tubong Basilan.

Nang Lunes na sumalakay ang Abu Sayyaf, umalis ng bahay si Aya para mamili kasama ang maliliit pa nilang mga anak.

Kuwento ni Aya, nasa mahigit 100 pamilya sa kanilang lugar ang nagsilikas sa matinding takot.

 ?? LIEZLE BASA IÑIGO ?? MISS NA KITA AGAD, PAPA! Umiiyak ang apat na taong gulang na babae, ang bunsong naulila ni retired M/Sgt. Julio Pasaoa, sa burol ng dating sundalo sa Bgy. Bari, Mangaldan, Pangasinan.
LIEZLE BASA IÑIGO MISS NA KITA AGAD, PAPA! Umiiyak ang apat na taong gulang na babae, ang bunsong naulila ni retired M/Sgt. Julio Pasaoa, sa burol ng dating sundalo sa Bgy. Bari, Mangaldan, Pangasinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines