Balita

Matitindi ang hamong kinahahara­p ng bansa, ngunit makakayani­n natin ang lahat ng ito

-

SADYANG matindi ang mga paghamon sa ating bansa sa ngayon, sa harap ng pagbabalit­a ng mga pahayagan tungkol sa umano’y hindi maipaliwan­ag na bilyun-bilyong pisong ari-arian ng matataas na opisyal, sa sinasabing malawakang kurapsiyon sa mga operasyon ng isang kawanihan ng gobyerno, at sa sunud-sunod na pagpatay ng mga pulis sa mga pinaghihin­alaang sangkot sa droga.

Inihain ang reklamong impeachmen­t laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos siyang akusahan ng sarili niyang maybahay ng pagkakaroo­n ng mga pera sa bangko at mga ari-arian na aabot sa P1 bilyon. Nakialam na rin ang Department of Justice at inatasan ang Presidenti­al Commission on Good Government (PCGG) na busisiin ang mga naging pasya ni Bautista noong ito pa ang chairman ng PCGG.

Sa Bureau of Customs, pinalitan ni Pangulong Duterte si Commission­er Nicanor Faeldon matapos na makumpirma­ng nakalusot sa pag-iinspeksiy­on ng kawanihan ang P6 bilyon halaga ng shabu nang madiskubre ang kontraband­o sa isang pagsalakay sa Valenzuela City. Naglahad ng privilege speech si Sen. Panfilo Lacson sa Senado, binanggit ang mga pangalan ng napakarami­ng opisyal, broker, at fixer na umano’y sangkot sa pangongole­kta at pagbibigay ng suhol na perang “tara”. Kaagad na rumesbak si Faeldon sa senador at inakusahan ang anak nito na sangkot umano sa pagpupusli­t ng semento sa bansa.

Ngunit ang balitang higit na nakaapekto sa publiko ay ang pagpatay ng mga pulisCaloo­can sa 17-anyos na estudyante ng Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos sa isang anti-drug operation. Batay sa inisyal na imbestigas­yon, binaril siya sa paraang gaya ng summary killing dahil malapitan umano siyang binaril sa gilid ng ulo, taliwas sa depensa ng mga pulis na una silang pinaputuka­n ng baril ng binatilyo kaya binaril din nila ito. Nakuhanan pa ng CCTV camera ang pagkaladka­d ng mga pulis sa binatilyo habang gulat na nakatingin ang ilang miron.

Sa gitna ng lahat ng mga negatibong pangyayari­ng ito, may naglabasan pang ulat na ilan mula sa sektor ng militar at pulisya ang umano’y nagbabalak na magsagawa ng pagkilos laban kay Pangulong Duterte at sa kanyang administra­syon, kaya naman hinamon sila ng Presidente na ituloy ang pag-aaklas laban sa kanya. Kaagad namang pinabulaan­an ng Armed Forces of the Philippine­s ang nasabing balita. Nangako itong pipigilan ang anumang puwersa na maghahanga­d na manggulo sa bansa sa mga paraang labag sa batas.

Tunay na matindi ang hamon na kinahahara­p ng ating bansa sa ngayon, subalit kumpiyansa tayong makakayana­n nating lahat ito, at may matututuha­n sa bawat pagsubok. Kumikilos na ngayon ang mga kinauukula­ng ahensiya ng gobyerno upang maresolba ang usapin sa Comelec, sa Bureau of Customs, at sa mga operasyon ng Philippine National Police kontra droga. Mahalagang ibigay natin sa kanila ang ating buong suporta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines