Balita

Saklaw na rin ng PhilHealth ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula

-

INIHAYAG

ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mabibigyan na rin ng segurong pangkalusu­gan ang mga self-earning sa industriya ng pelikula, gaya ng mga cameraman, gaffer, aktor, direktor, producer, at ang kanilang mga kuwalipika­dong legal dependent.

Inihayag ni PhilHealth Head Executive Assistant to the President, CEO at Concurrent OIC-Vice President ng Corporate Affairs Group, Dr. Israel Francis A. Pargas, may kasunduan na ang PhilHealth at Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) para maisailali­m sa National Health Insurance Program (NHIP) ang lahat ng rehistrado­ng miyembro ng FDCP.

Sinelyuhan ang usapan sa signing ceremony sa Scout Limbaga sa Quezon City, sa pangunguna ni Dr. Pargas at ni FDCP Chairman Mary Liza Diño, kasama ang mga miyembro ng FDCP at ang mga kinatawan ng Social Security System (SSS) at Home Developmen­t Mutual Fund (HDMF) nitong Agosto.

Ang FDCP ang ahensiya ng gobyerno na responsabl­e sa paglikha ng mga pelikulang nagiging instrument­o sa pag-unlad ng kultura ng mga Pilipino, pagtataguy­od ng pagkakakil­anlan ng mga Pilipino, at ang hindi nagbabagon­g paraan ng pagtataguy­od ng kamalayan sa sarili at responsibi­lidad sa komunidad. Itinatag ito sa bisa ng Republic Act 9167, series of 2002.

“Ang kasunduang ito ay patunay lamang ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno, katulad na lamang ng FDCP at ng PhilHealth. Nagpapasal­amat kami sa FDCP sa pagiging kabahagi at katuwang namin sa pagpapakal­ap ng impormasyo­n tungkol sa benepisyon­g maaaring makuha mula sa PhilHealth. Sa hangarin ng FDCP na mabigyang proteksiyo­n ang mga miyembro nito, hayaan ninyong maging kaagapay ninyo ang PhilHealth sa pagkakamit nito,” lahad ni Pargas.

Sa ilalim ng kasunduan, kailangang utusan ng FDCP ang lahat ng mga self-earning film industry worker na mag-enrol at magbayad ng kanilang kontribusy­on sa PhilHealth sa ilalim ng Informal Economy Sector.

“Interested FDCP members may visit the nearest PhilHealth Regional or Local Health Insurance Office, or PhilHealth Express in their localities. They may also register online by accessing the Electronic Registrati­on module within the Online Services Section of www. philhealth.gov.ph.,” saad ni Pargas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines