Balita

Hiwaga ng Pabaon at Pasalubong

- Bert de Guzman

NAGPAKAMAT­AY noon si exDefense Secretary Angelo Reyes nang sa Senado ay ibunyag na siya ay tumanggap ng P50 milyong PABAON bilang papaalis na AFP chief of staff. Hindi ito hiningi o ipinilit ni Reyes. Ito ay isang tradisyon sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na bigyan ng “Pabaon” ang sino mang AFP Chief of Staff na magtatapos na ng termino bilang puno ng Sandatahan­g Lakas ng Pilipinas.

Sa hiya at taglay na integridad ni Gen. Angelo Reyes, nagbaril siya sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. Ang nag-akusa at nanghiya sa kanya sa Senate hearing noon ay nakakulong ngayon dahil naman sa pagkakasan­gkot sa P10-bilyong pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles. Ito ba ay karma, karma? Pero buhay pa naman ang nanghiya kay Gen. Reyes!

Sa Senado rin, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na si ex-BoC Nicanor Faeldon ay tumanggap naman ng P100 milyon bilang PASALUBONG o “Welcome Gift” bilang bagong hepe ng Customs noong 2016. Itinanggi ito ni Faeldon. Siya kaya ay magpapakam­atay din tulad ni Reyes na P50 milyon lang ang Pabaon?

Idinagdag pa ni Lacson na halos lahat ng opisyal at kawani ng BoC ay tumatangga­p ng “tara” o padulas para maging bulag, pipi at bingi sa pagpapahin­tulot na makapuslit sa green o express lane ang mga kargamento, kabilang ang bultu-bultong shabu. Ilang milyong kabataan ang sisirain ang utak nito? Mga kabataang malimit sabihin ni PDU30 na “Do not destroy the youth, do not destroy my country.”

May usap-usapan daw sa apat na sulok ng Customs na araw-araw ay tumatangga­p ng “tara” mula sa pinakamata­as na pinuno hanggang ultimong kawani. May isa nga raw janitor na nakitang nagpapatak­bo ng Porsche, may dalawang bahay at nakabili ng lupa. Higit daw na malaki ang nakukubra ng mga opisyal ng BoC sapagkat kung ang janitor ay may SUV, tiyak na mas malaki ang padulas na tinatangga­p nila. Of course, ang akusasyon ay tinanggiha­n ni Faeldon at ng mga opisyal. Mahirap pabulaanan ang mga dokumento at katibayan ni Lacson. Tandaan na isa siyang beterano sa ganitong sitwasyon. Noon ay binangga niya sina ex-Pres. Gloria MacapagalA­rroyo at ex-First Gentleman Mike Arroyo na nasa rurok ng kapangyari­han. Binangga rin niya si ex-DoJ Sec. Leila de Lima (ngayon ay Senador) nang iutos na dakpin siya dahil sa pagkakasan­gkot sa pagkamatay ni publicist Bubby Dacer at ng kanyang driver.

Sa isang English broadsheet noong Agosto 24, ganito ang headline: “Nobody wants to kill innocents---Duterte”. Eh, bakit pinatay ng mga pulis ang 17-anyos na si Kian delos Santos na wala naman sa drug watch list ng kanyang barangay? Para ikatwirang nanlaban si Kian, nilagyan pa ng baril ang kaliwang...

kamay gayong siya ay right-handed. Nakipagbar­ilan daw siya sa pulis-Caloocan, pero batay sa PNP Crime Laboratory results, negatibo ang bata sa gunpowder burns.

Sa totoo lang, umiiral ngayon ang “kultura ng patayan” dahil sa mga operasyon ng mga pulis ni Gen. Bato bunsod nang paulit-ulit na pahayag ni Mano Digong na “Walang makukulong na pulis at kung makulong man ay ipa-pardon ko agad” basta raw sa pagtupad ng tungkulin laban sa illegal drugs. Pero, Mr. President, laging ikinakatwi­ran ng mga pulis na NANLABAN ang pushers at users kaya nila binaril. Paano pa sasabihin ng biktima na siya ay nanlaban at walang baril eh, patay na siya? Maging ang pamilya ng biktima na nagsasabin­g hindi tulak o adik ang anak at walang baril, ay ayaw namang paniwalaan.

Ngayon ay medyo nagbabago na ang timpla ng pananalita ng Pangulo. Hindi dapat patayin ang mga inosente. Korek, dapat ay bigyan ng due process ang mga pinaghihin­alaan tulad ng due process ng mga bigating suspek sa P6.4-bilyong shabu sa BoC na pinaharap sa Senado para dinggin ang kanilang panig. Hindi sila binaril. Hindi tulad ng ordinaryon­g pusher at user na agad binabaril sapagkat NANLABAN daw!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines