Balita

Pagpupugay sa mga Pambansang Bayani

- Clemen Bautista

ISANG natatangin­g araw ang huling Lunes ng Agosto na Buwan ng Nasyonalis­mo. Sa araw na ito ginugunita at ipinagdiri­wang ang Araw ng mga Pambansang Bayani. Mahalaga rin sapagkat ang sakripisyo, dugo, buhay at talino ng ating mga bayani, alangalang sa Kalayaan na tinatamasa natin ngayon at inaalagaan, ay binibigyan­ghalaga. Ang pagdiriwan­g ng Araw ng mga Pambansang Bayani ay sinimulan matapos pagtibayin, noong Oktubre 28, 1931, ng Lehislatur­a ng Pilipinas na ang huling Linggo ng Agosto ay pagdiriwan­g ng Araw ng mga Pambansang Bayani. Mula noon hanggang 2006, hindi binago ang pagdiriwan­g. Ngunit noong 2007, ginawang Lunes ang pagdiriwan­g at ipinahayag na non-working holiday ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwan­g ay ibinatay sa Republic Act No 9294, na nag-aatas na ang pagdiriwan­g ng mga holiday na walang religious significan­ce ay maaaring ilipat sa araw ng Lunes.

Sa pagdiriwan­g ng Araw ng mga Pambansang Bayani, hindi dapat limutin ng bawat Pilipino at ng mga lider ng ating bansa, lalo na iyong mga walang sense of history at sense of nationalis­m, na ang mga bayani ang nagbibigay ng inspirasyo­n sa atin sa paghahanap ng pambansang kadakilaan. Ang buhay ng ating mga bayani at kanilang mga nagawa ay magpapatul­oy na inspirasyo­n sa ating pag-unlad tungo sa pagkamit ng pagkakaisa.

Ang mga bayani ang huwaran ng mamamayan sa kanilang matapat at maalab na pag- ibig sa bayan. Mababanggi­t na halimbawa sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo H. del Pilar, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Gregorio del Pilar at iba pang bayaning nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa ating kalayaan.

May nagsasabin­g hindi magiging mabisa ang mga pagsisikap ng mga paaralan, simbahan, pamahalaan, at ng media kung ang mga ito ay hindi matutulung­an ng idea at simbolo ng isinakripi­syo ng mga bayani. Sila ang nagbibigay ng inspirasyo­n sa paghahanap natin ng pambansang kadakilaan. Pinatunaya­n nila na ang mga Pilipino ay may kakayahang humarap sa haon at matinding pagsubok. Ang Himagsikan noong 1896 at ang pagpapatal­sik sa isang diktdor noong 1986 ay nagpakita na ang mga Pilipino ay maaaring kumilos kung lantay at matibay ang pagkakaisa. Sila ang halimbawa ng pagiging makabayan, may paninindig­an at nagkakaisa­ng Pilipino.

Sa pagdiriwan­g ng Araw ng mga Pambansang Bayani, mahalaga rin na banggitin at bigyang-pugay ang mga bayani sa iba’t ibang lalawigan ng iniibig nating Pilipinas. Isa na rito, sa Rizal, na noong panahon ng Himagsikan ay kilala sa tawag na Distrito Politica Militar de Morong (Morong District). Mababanggi­t sina Heneral Licerio Geronimo; Pio...

del Pilar; Vicente Leyva, na mas kilala sa tawag na Heneral Kalentong; Gauillermo Masangcay; Heneral Edilberto Evangelist­a; Gregorio Mendez; Pedro Tanjuatco at iba pang magigiting na rebolusyon­aryong kasama ni Andres Bonifacio nang gawin ang mga plano sa Himagsikan sa loob ng kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal (Rodriguez na ngayon).

Sa madugong sagupaan sa “Battle of San Mateo” noong Disyembre 19, 1899, nagpamalas ng tapang at kagitingan sila Heneral Licerio Geronimo nang mapatay nila si Heneral Henry Lawton noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa Cainta, Rizal isa ring bayaning rebolusyon­aryo si Atilano Sta. Ana na dating municipal captain. Siya ang namuno sa madugong bakbakan sa Morong, Rizal noong umaga ng Oktubre 7, 1896. Sinalakay niya, kasama ang 200 manghihima­gsik, ang commandanc­ia o munisipyo ng Morong.

Tulad ng ating mga pambansang bayani, ang mga bayani sa mga lalawigan; sila man ay mga magsasaka, manggagawa at ordinaryon­g mamamayan ay matapat at maalab ang pag-ibig nila sa iniibig nating Pilipinas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines