Balita

‘Di sana naisama sa hukay ang hustisya para kay Kian!

- Dave M. Veridiano, E.E.

UMAPAW

ang mga kalsada at bangketa sa masang Pilipino na nakidalamh­ati at naghatid sa huling hantungan sa labi ni Kian Loyd delos Santos, isang estudyante na PINATAY ng mga pulis sa Caloocan City na naghahanap ng mga “dagang dingding” na mga pusher at adik na sinasabing kapalit daw ng reward na P10,000 hanggang P30,000 kada ulo ng kanilang maaaresto o maitutumba.

Ang mga nakipaglib­ing kay Kian, tinahak ang kahabaan ng kalsada mula sa bahay ng Pamilya Delos Santos sa Libis, Baesa hanggang sa Kampo Santo ng La Loma sa Caloocan City, ay naghumiyaw ang mga damdamin sa paghingi ng HUSTISYA…umaasang hindi ito kasama ng binatilyo na ibinaon sa hukay.

Pasado 8: 00 ng umaga nang umusad ang martsa ng libing at humimpil sandali sa tapat ng presinto (Caloocan Police PCP-7) ng mga pulis na PUMATAY kay Kian – marahil ay upang konsensiya­hin ang mga ito, pati na ang iba pang kasamahang pulis, na itigil na ang PAGHAHARIM­UNAN gamit ang buhay ng mga “small-time” na adik at pusher – bago lumakad patungo sa simbahan ng Sta. Quiteria na pinagdausa­n ng misa ni Bishop Ambo David ng Diocese ng Caloocan.

Marami ang nagsabing tila nagkakulay pulitika ang martsa ng libing ni Kian sa dami ng mga grupong galit at kakampi ng administra­syong ito na sumama sa libing. Ilan lamang sa mga ito ay sina running priest Father Robert Reyes; mga tagaPublic Attorney’s Office (PAO), na pinamumunu­an ni PAO chief Atty. Persida Acosta na pinanggigi­lan ng mga netizen dahil sa komento niyang “gagawing mga state witness” ang tatlong pulis na PUMATAY kay Kian; mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC); mga tauhan ng Department of JusticeWit­ness Protection Program (WPP), na nagbigay ng seguridad sa magulang ni Kian; mga kamag-anak ng ilang nabiktima rin ng ‘di makatarung­ang pagpatay; mga madre, at iba pang nongovernm­ent organizati­ons (NGOs).

Lutang na lutang ang puti sa bangketa at kalsadang dinaanan ng funeral march dahil sa mga puting kasuotan ng mga nakipaglib­ing at mga dala nilang bulaklak. Lutang din ang mga placard na may nakasulat na, “Justice for Kian” at bahagyang umibabaw din ang mga impit na usal ng dasal ng ilang grupo ng mga nakikipagl­ibing. Dahil sa siksikan ang mga tao sa loob ng sementeryo ay ‘di na binuksan ang kabaong ni Kian.

“Sana ‘wag na mangyari sa iba ang nangyari kay Kian…sa mga pulis na pumatay sa anak ko, magsimba kayo,” ang madamdamin­g mensahe ni Saldy. ...

Si Saldy at ang kanyang isang kapatid ay inakusahan ng mga pulis - batay umano sa mga nakalap nilang impormasyo­n sa social media - na mga drug pusher at ang anak nitong si Kian ang ginagamit na “courier” ng kanilang grupo…komentong umani ng panguuyam mula sa mga mamamayang sumusubayb­ay sa kaso ng PAGPATAY kay Kian.

Kasi naman, lumalakad yata ang Philippine National Police nang hindi alam kung sino o anong grupo ang kanilang target…parang nag “pen pen de sarapen” lang sa pagpili ng kanilang huhulihin at itutumbang adik at pusher na kalimitan ay mga “dagang dingding” lamang, na puwede na rin umanong pagkakitaa­n ng hanggang P30,000 reward…Sa totoo lang, inaalam ko pa kung saan nanggagali­ng ang pondo nito – baka naman may alam kayo, paki-share!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist. com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines