Balita

MABUTING BALITA

-

Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwa­ri! Isinara n’yo ang Kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumasok at hindi n’yo rin pinapapaso­k ang mga makapapaso­k.

“Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwa­ri. Nililibot n’yo ang dagat at lupa para maghanap ng isang bagong tagapaniwa­la at pagkapaniw­ala niya, ginagawa n’yo siyang anak ng impiyerno, na mas masahol pa sa inyo.

“Kawawa kayong mga bulag na tagaakay! Sinasabi n’yong ‘Walang bisa kung sa Templo manunumpa, pero may bisa kung sa ginto ng Templo.’ Mga bulag at baliw! Alin ba ang mas mahalaga? Ang ginto sa Templo o ang Templong nagpabanal sa gintong ito? Ang sabi n’yo’y walang bisa kung sa altar manunumpa pero may bisa kung sa handog na nasa altar. Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga: ang handog o ang altar na nagpabanal sa handog? Ang manumpa sa ngalan ng altar ay dito at sa lahat ng narito nanunumpa. Ang sinumang sumumpa sa Templo ay sumusumpa rito at sa Diyos na naniniraha­n sa Templo. Ang sinumang manumpa sa ngalan ng Langit ay sa trono ng Diyos at sa nakaupo rito nanunumpa.”

PAGSASADIW­A:

Kayong mga mapagkunwa­ri!— Ang salitang “pagkukunwa­ri” o “pagbabalat­kayo” ay may kaugnayan sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “maskara ng aktor.” Ang taong mapagkunwa­ri ay tila may suot na maskara.

Hindi kalugud- lugod kay Jesus ang pagkukunwa­ri ng mga dalubhasa sa batas. Animo’y banal ang kanilang pamumuhay subalit ito ay maskara lamang. Sa loob ay punung- puno ng kasalanan at pakitantao. Hadlang sila sa kabanalan ng kapwa. Tayo man, kung minsan ay nahuhulog din sa ganitong bitag. “SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines