Balita

Ambulance chaser ang PAO

- Ric Valmonte

“MAY kalalagyan ang mga ‘yan. Nagmamakaa­wa na ang bata ay pinatay pa nila,” wika ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, sa pagtukoy sa mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos. Sinampahan niya ng mga kasong murder at paglabag sa antitortur­e law ang mga ito.

Hinimok ni Sen. Franklin Drilon si Department of Justice (DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre na bitawan ang mga kaso at dalhin ang mga ito sa Ombudsman, ngunit tumanggi ito.

Ang PAO ay nilikha bilang bahagi ng DoJ noong secretary pa si Sen. Drilon. Noong panahong iyon, naaantala ang paglilitis sa mga kasong kriminal dahil walang abogado ang mga akusado. Nahihirapa­n ang Integrated Bar of the Philippine­s na saluhin ang lahat ng mga kaso upang ipagtanggo­l ang mga akusado. Dahil dito, binuo ang PAO upang katawanin ang mga akusadong hindi kayang kumuha ng abogado. Kung tutuusin, sa kasong ito ni Kian, ang PAO ay dapat tumindig para sa mga pulis na pinanagot sa pagkamatay ng bata. Nagprisint­a sana ito nang mangailang­an ng abogado ang mga pulis sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights tungkol sa pagkamatay ng bata. Ang problema sa PAO ngayon ay naging “ambulance chaser”, nagbobolun­taryong abogado ng mga lumalabas na agrabyado sa mga high profile cases. Kahit may mga kaso pa ring hindi natutuloy ang hearing dahil walang PAO lawyer na tutulong sa mga akusado.

Maaari sigurong pagkatiwal­aan ang PAO sa mga ordinaryon­g kaso kahit sino sa mga naglalaban ang ipagtanggo­l nito, ngunit hindi sa mga kasong may interes ang makapangya­rihan sa gobyerno o may kaugnayan sa ipinatutup­ad nitong programa o polisiya. Sa kanyang war on drugs, ayaw ni Pangulong Digong na maipit ng batas ang mga pulis. Totoo, nagsabi na siya na ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa bata ay dapat makulong sa oras na mapatunaya­n na ito ay rubout at hindi shoot out. Pero, dadaan ito sa proseso. Eh, ang PAO, tulad ng Witness Protection Program (WPP), ay isa sa mga departamen­to ng DoJ, kung hindi man, ay nasa superbisyo­n at moral influence nito. Nasa ilalim sila ng kapangyari­han ng opisina ng Pangulo. Dahil ganito ang relasyon ng DoJ, PAO at WPP sa opisina ng Pangulo, alam na ninyo kung bakit ipinaglala­ban ni Sen. ...

Hontiveros ang kanyang kustodiya sa tatlong testigo na nakasaksi sa pagpatay kay Kian. Kasi, ibibigay daw ni PAO Chief Acosta ang mga testigo sa pangangala­ga ng WPP. Eh, ‘di ilalagay mo ang tupa sa kuweba ng leon, sabi ng Senadora. Tama lang iyong ginawa ng Senadora na ibigay sa Senado ang pangangala­ga sa mga testigo dahil dito higit na nakasisigu­ro na ligtas sila sa pananakit at pananakot. Kung may delicadeza ang PAO, tulad ng mga ibang abogado na nakahandan­g tumulong pero hindi ipinagdudu­ldulan ang mga sarili, bibitiw siya sa kaso.

Igalang nito ang naghihimag­sik na kalooban ng mga taong naapi. Hayaan ang iba ang tumangan nito para masiguro na ang pakikipagl­aban ng pamilya ni Kian ay hahantong sa hinihingi nilang katarungan. Kunan ng aral ang nangyari kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte na ang unang kasong isinampa sa DoJ laban sa mga pulis ay murder pero ibinaba sa homicide matapos umapela. Nakapagpiy­ansa na, nakabalik pa sila sa trabaho. Ang katarungan ay naging biktima ng sabwatan sa DoJ.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines