Balita

Miko Livelo, seryosong direktor ng comedy films

- NI REGGEE BONOAN

ISA

sa limang direktor na alaga ng IdeaFirst Company si Direk Miko Livelo na produkto ng Sine Panulat scriptwrit­ing workshop ni Direk Jun Lana.

Mas gamay ni Direk Miko ang comedy, kaya kapag may offer sa IdeaFirst Company para mag- line produce ng pelikulang katatawana­n ang konsepto, siya ang nakatoka.

Nagsimulan­g magsulat si Direk Miko ng sampung episodes ng seryeng # ParangNorm­alActivity na napanood sa TV5. Eventually, , siya na rin ang naging direktor nito. o.

Ang unang pelikulang ginawa nawa ng baguhang direktor ay ang horrororro­r comedy film na I Love You to Death nina Enchong Dee at Kiray (Regal Films, 2016). May pagka- experiment­alal ang I Love You to Death, naiiba a ang konsepto, kaya kinumusta a namin si Direk Miko tungkol sa resulta nito sa box office.

“Break- even naman po, medyo nag- gamble nga po sila ( Regal Films) sa istorya po kaya nagpapasal­amat ako. Kasi since comedy po ‘yung kuwento, so ako ‘yung napili nila to direct kasi sa group, ako po ‘yung gumagawa ng comedy, so they gave me the freedom,” bungad ni Direk Miko sa one- on- one interview namin.

Bata pa ay mahilig na sa comedy films si Direk Miko, pero wala naman sa itsura niya dahil napakasery­oso. At habang kausap namin, walang bahid na nagpapataw­a siya.

“Ha-ha, hindi pa kita sa mukha ko? Mukha lang po akong masungit kasi hindi ako mukhang Pilipino (mukhang Indian/ Malaysian/Spanish), mom ko may dugong Spanish, so siguro doon ko nakuha,” napangitin­g sabi niya.

Mabenta si Direk Miko, tatlong pelikula ang nakalinyan­g gagawin niya, ang Tokwa’t

Bad Boy sa Viva Films (wala pang cast dahil binubuo pa), Forever Young sa Regal Films at ‘Tol sa Reality Entertainm­ent nina Direk

Erik Matti at Dondon Monteverde. “Lahat po comedy kasi ‘yun po talaga ang gusto kong gawin. ‘ Yung ‘ Tol po, parang throwback ng Tito, Vic and Joey na about three friends,” sabi sa amin.

“Dito po ako lumaki, ‘ yung Pinoy humor, ‘tapos nakakapano­od din ako ng Western at Asian humor, so sabi ko sa sarili ko if I had the opportunit­y to be a filmmaker, gusto kong i-mix ‘yung lahat.”

Nagtapos ng Fine Arts major in advertisin­g sa UST si Miko at nakakuha ng scholarshi­p sa Asia Pacific Films Institute.

“Since then I became a freelance director doing AVP ( audio visual) ‘ tapos nu’ng 2013, I had my first break sa Cinema One Originals, ‘yung movie na Blue Bustamante, nag-shoot kami sa Japan and it’s a father and son story, para siyang teleserye na may

Power Rangers involved, again, comedy pa rin,” kuwento niya.

Inamin ni Direk Miko na masaya siya sa success ng Kita

Kita na idinirek ng kasamahan niya sa IdeaFirst na si Sigrid

Andrea Bernardo at umaasa siya na magkaroon din siya ng box-office hit. “Dala-dala“Dal ni Sigrid ‘yung pangalan ng IdeaFirstI­deaF kaya masaya ang lahat for her,” paklip ni Miko. TinatawagT­in nila ang grupo nila ng, “The“T Idealist, para malapit din po sa name ng company. Saka maski po may mga kanya-kanya kaming movie na ginagawa, we really help each other, nagtutulun­ganna kami like nagbibrain­stormingbr kami kasi we try to push every one of us to make it better. Kasi success ng isa, success ng lahat, ganu’n po kami,” sey ni Direk Miko.

Sino ang pangarap niyang makatrabah­o?

“I had this dream of working with comedians talaga, sobrang underrated kasi ng comedians. I had this dream project na gusto ko sanang maka-work si Michael

V, kasi for me comedy hero siya, I want to work these comedians I’ve watched when I was a kid.

“Pero kung were talking about recent ( comedians), again, I want this joke na parang magkuya in a film starring Joshua ( Garcia) and John Lloyd ( Cruz) imbes na rom- com ang approach nila. Kung puwede sana isama pa si Aga Muhlach na pinakakuya nila, dati kasi nagkaroon ng movie sina John Lloyd at Aga na magkuya sila.

“Sa actress naman, well, crush ko kasi si Kim Domingo, so, siya ang gusto kong makatrabah­o. Nasa Bubble Gang kasi siya, doon ko siya napapanood and seen her in some films, ‘uy, kaya niyang magcomedy.’

 ??  ?? Direk Miko Kim
Direk Miko Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines