Balita

Pagbabago sa cast, direktor at title ng movie, aprubado na sa MMFF

- Ni LITO T. MAÑAGO

SA

inaprubaha­ng 2017 Metro Manila Film Festival ( MMFF) Rules and Regulation­s nu’ng regular execom meeting sa Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) office last May 2, walang naka-stipulate na bawal magpalit ng cast, movie titles, directors, etc. basta’t ipapaalam lang ito in writing at isusumite sa management ng festival for approval.

Sa isinagawan­g execom meeting ng MMFF last August 15, held at Bellevue Manila sa Alabang, Muntinlupa City, inaprubaha­n na ng komite ang ilang pagbabago sa cast, pagpapalit ng direktor at title ng movie sa naunang apat na official entries.

Sa ipinost sa social media ni Noel Ferrer, isa sa mga miyembro ng execom at MMFF spokespers­on, narito ang ilan sa naaprubaha­ng changes o pagbabago ng Selection Committee nu’ng nakaraang meeting. Mula sa original title na #LoveTraps to Meant To Beh; the change of the film’s director from

Tony Y. Reyes to Chris Martinez; the change of title from The Revengers to Gandarah N’ Guapito:

The Revengers; and the replacemen­t of Jericho Rosales in Derek Ramsay in Almost Is Not Enough. Ang Meant To Beh ay pangunguna­han nina Vic Sotto, JC Santos, Daniel Matsunaga, Gabbi Garcia, Andrea Torres at Dawn Zulueta, at bida naman sa Gandarah N’ Guwapito: The Revengers ng Star Cinema sina Vice Ganda, Daniel Padilla at Miss U 2015 Pia Wurtzbach. Ang bumubuo naman ng cast ng Almost Is Not Enough ay sina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kean Cipriano, Enzo Marcos, Lyn

Cruz at Jennylyn Mercado. Bukod sa nabanggit na changes at replacemen­ts, tinalakay rin sa execom meeting ang ilang mahalagang issue, to wit:

Ang Muntinlupa City ang magiging host ng MMFF 2017 bilang pagdiriwan­g ng lungsod ng kanilang 100th year; ang Parade of Stars ay magaganap sa December 23 at ang Awards Night ay December 27; ang Solar Entertainm­ent head na si Wilson Tieng ang mamumuno ng MMFF Marketing at sina Noel, FDCP Chair Liza Diño- Seguerra at Pagcor VP

Arnell Ignacio naman ang MMFF Awards Committee.

Muli ring ipinaalala ng execom na ang deadline ng submission ng short films ay Setyembre 1 at ang announceme­nt ng official short film entries ay September 30.

Samantala, ang early bird submission naman ng finished full length films ay October 2 hanggang 30 para sa regular submission.

Nakatakda namang i- announce ang final 4 finished film official entries sa November 17.

Ang MMDA ang nagpapatak­bo ng MMFF tuwing Disyembre.

 ??  ?? Vic
Vic
 ??  ?? Gabbi Jennylyn
Gabbi Jennylyn
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines