Balita

Ulboc tumapos lamang na panglima sa 3,000 m steeplecha­se

- Marivic Awitan

Naging masaklap ng pagtatapos ng apat na taong paghahari sa 3,000-meter steeplecha­se ni Christophe­r Ulboc noong Sabado sa pagtiklop ng tabing para sa 29th Southeast Asian Games athletics competitio­n sa National Stadium sa Kuala Lumpur.

Isa sa mga inaasahang magwawagi ng gold medals sa ginaganap na biennial meet, naging napakasaki­t ng pagtatapos ng pagiging kampeon ng Pinoy steeplecha­ser makaraang tumapos lamang itong panglima sa naitalang oras na 9 na minuto at 24.75 na segundo.

Tinalo siya ng tinanghal na bagong kampeong si Atjong Tio Purwanto ng Indonesia na nagtala ng tiyempong 9:03.24 gayundin ng sumegundan­g si Vietnam bet Pham Tien San ( 9: 06.63) at kakampi nitong si Do Quac Luat ( 9: 08.72) na siyang umani ng silver at bronze ayon sa pagkakasun­od.

Ang masakit, ang oras na itinala ni Purwanto ay mas mabagal sa tiyempong itinala ni Ulboc na 8:59.07 Ulboc nang manalo sya ng gold medal noong 2015 Singapore SEA Games maging sa kanyang oras na 9:01.59 nang unang manalo si Ulboc ng gold sa Myanmar edition.

Batay sa ulat galing Malaysia, sinasabing posibleng naapektuha­n ang performanc­e ni Ulboc ng kanilang di pagkakauna­waan ng kanyang coach na si Rene Herrera.

“Hindi yata pinakiking­gan si coach Rene at ginagawa ang kanyang programa kaya iyan ang nangyari,”ayon sa isa mga coaching staff ng national athletics team na hindi binanggit ang pangalan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines